♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19):
Itakda ang malinaw at matibay na boundaries at panindigan ang mga ito nang may kumpiyansa. Huwag matakot ipahayag ang iyong tunay na iniisip at nararamdaman, dahil kahit may pagkakaiba-iba ng pananaw, maaari pa rin itong mapag-isa sa pamamagitan ng maayos at bukas na komunikasyon. Sikaping bawasan ang emosyon sa pakikipag-usap upang mas malinaw mong maiparating ang iyong nais, hangarin, at limitasyon, at upang mas madaling maunawaan at igalang ito ng iba.
Sa usaping pag-ibig, para sa mga may karelasyon na dumaraan sa hindi pagkakaunawaan o conflict, mainam na ikonsidera ang counseling o paghingi ng payo mula sa mga elders na may matatag at subok na pundasyon sa relasyon. Para naman sa mga single, huwag matakot na gumawa ng mga hakbang upang magbukas ng puso at pahintulutan ang sarili na magmahal.
Sa career at finances, take a break para hindi tuluyan na ma-burn out. Matutong mag-set ng boundaries sa kung hanggang saan ang iyong limitasyon, tandaan na ang tunay na puhunan mo ay ang iyong kalusugan
Set clear and firm boundaries and stand by them with confidence. Do not be afraid to express your true thoughts and feelings, because even when perspectives differ, understanding is still possible through open and healthy communication. Try to minimize emotional reactions when communicating so you can clearly convey your intentions, needs, and limits, making it easier for others to understand and respect them.
In matters of love, those who are in a relationship and going through conflict may benefit from considering counseling or seeking guidance from elders who have a strong and lasting foundation in love. For those who are single, do not be afraid to take steps toward opening your heart and allowing yourself to love.
In career and finances, take time to rest so you don’t completely burn out. Learn to set clear boundaries and recognize your limits, remembering that your true investment is your health.
♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20):
Hinihikayat kang kilalanin at harapin ang mga kaisipang bumabagabag sa iyong isipan. Huwag basta maniwala sa mga naririnig, sa halip, suriin ang sitwasyon, makiramdam, at gumawa ng mga konkretong hakbang upang makahanap ng malinaw na kasagutan. Tandaan na hindi palaging pag-iwas o pagbabalewala ang solusyon, minsan, ang pagharap mismo ang nagdudulot ng kapayapaan ng isip.
Sa usaping pag-ibig, para sa mga single, maging bukas sa mas malalim na pagkilala sa sarili at sa posibilidad ng bagong koneksyon, lalo na kung may taong nagpapakita ng interes. Mas nagdudulot ng kapanatagan ang pagbibigay ng pagkakataon kaysa manatili sa puro haka-haka. Para naman sa may karelasyon, mahalagang pagnilayan kung gaano ninyo tunay na kilala ang isa’t isa, at gumawa ng mga hakbang upang mas mapalalim pa ang inyong samahan.
Sa career at aspeto ng pananalapi, subukang huwag ituon ang pansin sa hirap na kaakibat ng kasalukuyang sitwasyon. Sa halip, tingnan ito mula sa mas positibong perspektibo, maaaring matagal nang may mga oportunidad na bukas para sa iyo, ngunit hindi mo lamang lubos na nabibigyang-halaga dahil sa pag-aalinlangan, takot, o iba pang dahilan.
You are encouraged to acknowledge and face the thoughts that have been weighing on your mind. Do not blindly believe everything you hear; instead, assess the situation, trust your intuition, and take practical steps to find clear answers. Remember that avoidance or dismissal is not always the solution, sometimes, directly confronting the issue is what brings peace of mind.
In matters of love, for those who are single, remain open to deeper self-discovery and to the possibility of new connections, especially if someone is showing genuine interest. Giving a situation a chance often brings more clarity and inner peace than staying stuck in assumptions. For those in a relationship, it is important to reflect on how deeply you truly know one another and to take steps that will further strengthen and deepen your bond.
In career and financial matters, try not to focus solely on the difficulties tied to your current situation. Instead, view things from a more positive perspective, there may have been opportunities open to you for quite some time that you have not fully embraced, possibly due to doubt, fear, or other underlying reasons.
♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21):
Ituon ang iyong pansin sa mga bagay na makatutulong sa pagpapalago ng iyong kalagayang pampinansyal at sa pangmatagalang seguridad, habang patuloy na pinahahalagahan at inaalagaan ang mga taong nananatiling sumusuporta sa iyo, lalo na sa mga panahong ikaw ay nagsusumikap upang maabot ang iyong mga pangarap. Paalalahanan din ang sarili na piliing maging masaya at tunay na i-enjoy ang iyong ginagawa, sapagkat kapag ang kilos ay nagmumula sa passion, mas nagiging maganda at makabuluhan ang mga resulta.
Sa usaping pag-ibig, para sa mga single, maging mapagmatyag at makiramdam sa tunay na intensyon ng mga taong lumalapit sa iyo. Para naman sa may karelasyon, mainam na maglaan ng oras para sa mas malalim at tapat na pag-uusap kung saan malaya ninyong naipapahayag ang inyong saloobin. Matutong makinig hindi lamang upang sumagot, kundi upang umunawa, upang mapanatili ang mas payapa at maayos na komunikasyon.
Sa career at aspeto ng pananalapi, ipinapaalala na hindi mo kailangang akuin ang lahat ng responsibilidad, lalo na ang mga inaasahang ipinapataw lamang ng komunidad o ng ibang tao. Matutong mag-delegate at magsabi ng “hindi” kapag kinakailangan. Iwasan din ang pagsunod sa mga hindi malinaw na tagubilin, siguraduhing may sapat na kalinawan at direksyon bago kumilos.
Focus your energy on what will help grow your financial stability and long-term security, while continuing to value and care for the people who remain by your side, especially during times when you are working hard to achieve your dreams. Remind yourself to choose happiness and genuinely enjoy what you do, because when your actions are driven by passion, the results tend to be more meaningful and fulfilling.
In matters of love, for those who are single, stay observant and trust your intuition when it comes to the true intentions of those who approach you. For those in a relationship, it is beneficial to make time for deeper, more honest conversations in which both partners can freely express their feelings. Learn to listen not just to respond, but to truly understand, to maintain peaceful and healthy communication.
In career and financial matters, you are reminded that you do not need to shoulder all responsibilities alone, especially those imposed by social expectations or others. Learn to delegate and to say “no” when necessary. Avoid following unclear instructions, and always make sure there is clarity and proper direction before taking action.
♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22):
Iwasan ang paggawa ng desisyon na dulot ng labis na emosyon, dahil maaaring hindi nito ibigay ang pinakamainam na resulta. Paalalahanan ang sarili na ang minsang pagsuko o hindi pag-react ay hindi palaging nangangahulugan ng pagkatalo; sa halip, ito ay pagpili ng mas maingat at tamang hakbang para sa mas mapayapang sitwasyon, at pagbibigay ng oras para magkaroon ng kalinawan at makapagmuni-muni.
Sa pag-ibig, isantabi ang pagnanais na kontrolin ang relasyon o koneksyon ayon sa iyong gusto o iniisip. Para sa mga single, hayaan na kusang mag-ignite ang passion at hayaan ding natural na mag-unfold ang mga bagay. Mas matibay at mas makabuluhan ang koneksyon kapag lumago ito nang natural kaysa pilitin.
Sa career at pananalapi, ipagpatuloy ang pagbibigay ng iyong pinakamahusay na trabaho at pagkilos, kahit may pumupuri o wala. Ang kalidad ng iyong performance ay hindi para sa kanila, kundi para sa sarili mo, ito ang bumubuo ng iyong integridad at nagpapakita ng iyong dedikasyon. Mas nakaka-drain kung ang batayan ng effort mo ay nakasalalay sa opinyon o reaksyon ng iba, kaya mas makabubuti na ang iyong focus ay sa sariling paglago at fulfillment.
Avoid making decisions driven by excessive emotions, as they may not lead to the best outcomes. Remind yourself that sometimes surrendering or choosing not to react does not necessarily mean defeat; rather, it is a choice for a more careful and wise step toward a calmer situation, allowing yourself time to gain clarity and reflect.
In matters of love, set aside the desire to control a relationship or connection according to your own wishes or expectations. For those who are single, allow passion to ignite naturally and let things unfold on their own. Connections become stronger and more meaningful when they grow organically rather than being forced.
In career and finances, continue giving your best effort and performance, whether or not others acknowledge it. The quality of your work is not for them, but for yourself, it builds your integrity and demonstrates your dedication. It is more draining to base your efforts on the opinions or reactions of others, so it is better to focus on your own growth and fulfillment.
♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22):
Ang swerte o himala ay kadalasang dumarating sa mga taong may lakas ng loob na sumubok at kumilos, kahit pa walang kasiguraduhan sa resulta. Mas mabuti nang malaman mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo kaysa dumating ang panahon na may pagsisisi sa mga bagay na hindi mo ginawa. Ang mga nakaraang sitwasyon, tao, o kaalaman ay maaari ring bumalik upang bigyan ka ng bagong perspektibo o pagkakataon.
Sa pag-ibig, huwag mong i-overthink ang lahat; iwasan ang labis na pag-iisip na hindi naman nakakatulong sa paglutas ng sitwasyon. Sa halip, kilalanin ang iyong kahinaan at vulnerability, dahil makakatulong ito upang maunawaan kung paano ito nakakaapekto sa iyong mga aksyon at desisyon, at makapagbigay ng gabay sa iyong mga susunod na hakbang.
Sa career at pananalapi, iwasang umasa lamang sa haka-haka. Matutong suriin at alamin ang mga impormasyon bago maniwala upang matiyak na tama at totoo ang iyong pinagkakatiwalaan. Kung may mga conflict sa paligid, huwag basta pumanig; maging balanse at handang gumitna upang mapanatili ang maayos na daloy at integridad sa trabaho.
Luck or miracles often come to those who have the courage to try and take action, even without certainty of the outcome. It is better to know that you gave your best than to reach a point where you feel regret over the things you didn’t do. Past situations, people, or knowledge may also return, offering you a new perspective or opportunity.
In matters of love, avoid overthinking everything; steer clear of excessive rumination that does little to solve the situation. Instead, recognize your weaknesses and vulnerabilities, as this will help you understand how they influence your actions and decisions, providing guidance for your next steps.
In career and finances, avoid relying solely on rumors or assumptions. Learn to verify and investigate information before believing it, ensuring that what you trust is accurate and true. If conflicts arise around you, do not simply take sides; strive to remain balanced and act as a mediator to maintain smooth operations and preserve integrity at work.
♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22):
May mga tulong at biyaya na maaaring bumalik sa iyo, bunga ng kabutihang naitanim mo noon. Bigyan ang sarili ng reward, kahit pa ito ay nangangahulugang paggawa ng mga bagay na makakapag-heal ng iyong inner child. Maikli ang buhay, kaya piliin na maging masaya sa bawat araw. Hindi mo kailangang laging isipin ang iba; sa halip, palibutan ang sarili ng mga taong nakakatulong sa iyong paglago at pag-unlad.
Sa pag-ibig, tandaan na hindi ito isang kompetisyon kung saan kailangang may manalo. Iwasan ang pakikipag-mataasan; sa halip, sikaping magkaroon ng balanse at pantay na pakikitungo. Piliin ang magpakumbaba at umunawa. Para sa mga single, huwag matakot na magmahal muli at buksan ang puso, masaya at makabuluhan ang magmahal lalo na sa isang relasyon na puno ng tiwala, respeto, at pagpapahalaga.
Sa career at pananalapi, iwasang magdalawang-isip o magbagal-bagal; maging decisive upang hindi mapalampas ang mga oportunidad. Tandaan, mas mahalaga ang gawa kaysa salita, kaya piliin ang pagiging produktibo at ang tahimik ngunit makabuluhang resulta ng iyong mga aksyon.
Help and blessings may return to you, as a result of the kindness you have sown in the past. Reward yourself, even if it means doing things that help heal your inner child. Life is short, so choose to be happy every day. You don’t always have to worry about others; instead, surround yourself with people who support your growth and well-being.
In love, remember that a relationship is not a competition where someone must “win.” Avoid trying to prove yourself or dominate; instead, strive for balance and equality. Choose humility and understanding. For those who are single, do not be afraid to love again and open your heart, loving is most fulfilling when a relationship is built on trust, respect, and appreciation.
In career and finances, avoid hesitation or delay; be decisive so that opportunities are not missed. Remember, actions speak louder than words, so focus on productivity and the quiet yet meaningful results of your efforts.
♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22):
Ang tunay na lakas ay hindi palaging nakikita sa panlabas; madalas, ito ay nasa pagtitiwala sa sariling kakayahan at sa paniniwala na walang imposibleng mangyari. Ang swerte ay nasa iyo, ngunit kailangan mo itong gamitin, sumubok, huwag matakot, at lakasan ang loob na ipakita ang iyong galing. Ang pagiging passionate sa ginagawa mo ang susi sa paglago, kaya huwag pabayaan na ma-down ang iyong sarili.
Sa pag-ibig, maglaan ng kalidad na oras para sa kapareha. Ang isang relasyon ay nangangailangan ng pag-aalaga at pagpaparamdam ng pagmamahal upang mapanatili ang koneksyon. Para sa mga single, bigyan ng oras ang pag-ibig; iba ang gusto lang sa sinasamahan ng pagkilos at nagbibigay ng pagkakataon sa sarili para makilala ang tamang tao.
Sa career at pananalapi, maaaring may dumating na mga pagpipilian na nakaka-distract o nagpapalito sa iyo kung aling landas ang tatahakin. Tandaan, hindi lahat ng mataas ang kita o sahod ay tama o maganda para sa iyo. Isaalang-alang din ang environment at ang mga taong makakasama mo, tanungin ang sarili kung saan ka tunay na nakakaramdam ng tahanan, kapayapaan, pagkakaisa, at paglago. Minsan, walang halaga ang ginto kung ipapahamak ka rin nito.
True strength is not always visible on the outside; often, it lies in trusting your own abilities and believing that nothing is impossible. Luck is within you, but you must know how to use it, take risks, don’t be afraid, and summon the courage to showcase your talents. Passion in what you do is the key to growth, so don’t let yourself be brought down.
In love, dedicate quality time to your partner. A relationship requires care and the expression of love to maintain a strong connection. For those who are single, give love time to develop; meaningful connections often come when you take action and allow yourself the opportunity to meet the right person.
In career and finances, you may encounter options that distract or confuse you about which path to take. Remember, not all high-paying opportunities are right or beneficial for you. Consider the environment and the people you will be working with, ask yourself where you truly feel at home, at peace, united, and able to grow. Sometimes, gold has no value if it puts you in harm.
♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21):
Panahon na upang talikuran ang mga nakasanayan (ito man ay kultura, gawi, paniniwala, o mga gawain) na hindi na nakakatulong sa kung nasaan ka at kung ano ang nais mong marating ngayon. Maging bukas sa mga bagong kaalaman at aral na makakatulong sa iyo upang makapag-adjust sa patuloy na pagbabago ng mundo. Huwag matakot; tandaan na lahat ay pwedeng matutunan basta ikaw ay pursigido at ilalagay ang iyong atensyon sa mga layunin na nais mong makamit.
Sa pag-ibig, alisin ang mga isipin na gumugulo sa iyong kalooban, lalo na kung wala namang kongkretong basehan. Tanungin ang sarili kung ito ba ay tunay na nangyayari o bunga lamang ng iyong imahinasyon. Para sa mga single, huwag ibaba ang iyong standards dahil sa lungkot o sariling limitasyon; tandaan na karapat-dapat ka sa lahat ng pagmamahal na maaari mong matanggap.
Sa career at pananalapi, maaaring makaramdam ka ng kawalan o emptiness sa iyong kalooban, kaya tila hindi mo nakikita ang ilaw o oportunidad na dati mong naramdaman. Subukan na kumonekta nang mas malalim sa sarili, alalahanin ang iyong purpose sa kabila ng iyong ginagawa, at i-align ang iyong mga kilos sa mga natuklasan mong sagot. Normal na makaramdam ng kahinaan paminsan-minsan, ngunit huwag manatili rito. Kung lilingonin mo ang nakaraan, makikita mo na ikaw ay malakas at matatag, kaya wala kang dahilan upang tumigil.
It is time to let go of old habits (whether they are cultural norms, routines, beliefs, or practices) that no longer serve your current path or the goals you wish to achieve. Be open to new knowledge and lessons that can help you adapt to the ever-changing world. Do not be afraid; remember that anything can be learned as long as you are determined and focus your attention on the goals you want to accomplish.
In love, release thoughts that disturb your peace of mind, especially when there is no concrete basis for them. Ask yourself whether these thoughts reflect reality or are merely products of your imagination. For those who are single, do not lower your standards because of loneliness or self-imposed limits; remember that you deserve all the love you can receive.
In career and finances, you may sometimes feel a sense of emptiness, making it hard to see the light or opportunities you once recognized. Try to connect more deeply with yourself, remember your purpose behind what you do, and align your actions with the insights you gain. Feeling vulnerable at times is normal, but do not remain stuck there. If you reflect on the past, you will see that you are strong and resilient, there is no reason to stop moving forward.
♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21):
Huwag mong sundan ang ibang tao sa pagkakataong ito; mas makakatulong sa iyo na umasa sa sarili mong paraan at kaalaman. Mayroon kang mga kakayahan at talento na maaaring gamitin upang gabayan ka. Sundan kung saan ka dinadala ng iyong intuition, hindi lamang kung ano ang nakikita mo sa iba. Maging tapat sa sarili mong nais at pagkatao upang matukoy mo ang susunod na hakbang. Subukan ding maging bukas sa ibang larangan, maraming magagandang oportunidad ang pwedeng mag-unlock para sa iyo.
Sa pag-ibig, maaaring nararamdaman mo ang pagsuko sa isang connection o ang lungkot ng pag-iisa. Minsan, ang pinakamainam na gawin ay bumitaw, hindi upang talunin ka, kundi upang maiwasan ang mas maraming sakit at mabigyan ng espasyo ang sarili para sa paghilom. Para sa mga single, palibutan ang sarili ng mga tamang tao na nakakapag-inspire at hindi mga koneksyon na humihila sa iyo pababa.
Sa career at finances, hinihikayat kang suriin kung saan mo ibinubuhos ang iyong oras at enerhiya, baka may mga bagay na nasasayang lamang. Iwasan ang kaawaan ang sarili; bitawan ang insecurities at pride. Huwag matakot humingi ng tulong at maging tapat sa iyong sitwasyon. Ang mga pagsubok na dinaranas mo ay hindi upang pabagsakin ka, kundi upang ipakita kung ano ang kailangan mong baguhin. Putulin ang mga hindi nakakatulong na kaugalian at habits upang mas mapagtibay mo ang iyong pundasyon at mapanatili ang liwanag sa iyong landas
Do not follow others at this time; it will be more helpful for you to rely on your own methods and knowledge. You have the skills and talents that can guide you. Follow where your intuition leads, not just what you see in others. Be true to your own desires and authentic self so you can determine your next steps. Also, be open to exploring other fields, many wonderful opportunities could unlock for you.
In love, you may feel like giving up on a connection or experience moments of loneliness. Sometimes, the best course of action is to let go, not as a defeat, but to avoid further hurt and to give yourself space to heal. For those who are single, surround yourself with the right people who inspire you, rather than connections that pull you down.
In career and finances, reflect on where you are spending your time and energy, some efforts may be going to waste. Avoid self-pity; release insecurities and pride. Don’t be afraid to ask for help and be honest about your situation. The challenges you face are not meant to break you, but to show you what needs to change. Let go of habits and routines that no longer serve you so that you can strengthen your foundation and maintain your light along the way.
♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19):
Hindi ka tamad; maaaring nakararamdam ka lamang ng pagod at ng pagnanais na mapansin at maappreciate ang mga effort, kalinga, at pagmamahal na ibinibigay mo sa iba. Gayunpaman, paalalahanan ang sarili na mas makabubuti na huwag itong hanapin sa labas, kundi sa iyong sariling kalooban. Ikaw ang pinaka-nakakakilala sa sarili mo, kaya huwag hayaan na mawala ang liwanag mo dahil lamang sa kakulangan ng pagpapahalaga mula sa ibang tao. Magbigay ng pagmamahal dahil masaya kang ginagawa ito, hindi dahil inaasahan mong ganoon din ang ibabalik sa iyo, mas magaan at mas makabuluhan ang ganitong paraan.
Sa pag-ibig, bitawan ang anumang ekspektasyon, dahil ito ang kadalasang nagdudulot ng sakit. Alamin na bawat tao ay may kanya-kanyang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, at maging bukas dito. Kung hindi ito tumutugma sa kung paano mo nais tumanggap, nasa iyo ang pagpili kung mag-aadjust ka o bibitaw upang hanapin kung saan ikaw ay makokontento, walang pumipigil sa iyo.
Sa career at finances, maging maingat sa lehitimasyon ng mga kontrata at maging masusi sa pagbasa ng bawat detalye. Suriin ang intensyon ng mga taong nakakausap mo at mag-research upang matiyak ang katotohanan ng lahat ng impormasyon kaugnay sa trabaho o pera. Mag-ingat sa mga taong mapanlinlang na nais lamang makuha ang gusto nila sa iyo. Harapin ang sitwasyon nang tahimik at lohikal, at iwasan na hayaang makaapekto ang awa o emosyon sa iyong mga desisyon at aksyon.
You are not lazy; you may simply be feeling tired and wishing that the effort, care, and love you give to others would be noticed and appreciated. However, remind yourself that it is better not to seek this validation from outside, but from within. You know yourself best, so don’t let your light fade just because others fail to recognize it. Give love because it brings you joy, not because you expect it to be returned in the same way, this makes it lighter and more meaningful.
In love, let go of expectations, as they are often the source of pain. Understand that everyone has their own way of expressing love, and be open to it. If it does not align with how you wish to receive it, you have the choice to either adjust or let go and seek where you will feel truly content, no one is holding you back.
In career and finances, be careful with the legitimacy of contracts and scrutinize every detail carefully. Assess the intentions of those you deal with and do your research to ensure the accuracy of all information related to work or money. Be wary of deceptive people who only seek to take advantage of you. Approach situations quietly and logically, and avoid letting pity or emotion influence your decisions and actions.
♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18):
May mga pintong magbubukas na nangangailangan ng iyong atensyon at aksyon. Maaaring hindi mo pa ito ma-appreciate sa ngayon, ngunit sa katagalan, magbubunga ito at makakatulong sa iyong pangmatagalang seguridad. Maging bukas at handang tanggapin ang mga oportunidad na ito; alisin ang mga dahilan o pag-aalinlangan upang hindi mo ito mapalampas.
Sa pag-ibig, iwasan ang labis na selos o pagiging possessive sa relasyon, dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkakasakal sa iyong kapareha. Bigyan siya ng espasyo upang lumago at mapanatili ang sarili niya, upang maramdaman niya ang tunay na pagkilala at respeto mo sa kanya. Para sa mga single, kung hindi ka pa nakaka-move on sa nakaraan o may mga sugat na hindi pa naghihilom, panahon na upang ilagay ang sarili sa kasalukuyan at tanggapin na ang nakaraan ay tapos na at hindi na mababago. Dapat mo ring maunawaan na hindi tunay na kasiyahan ang pilitin ang pagiging mag-isa dahil natatakot kang masaktan; ang tunay na paghilom ay kapag handa kang magmahal muli nang hindi natatakot sa sakit, dahil buo ang pagmamahal mo sa sarili at alam mong kung magmamahal ka, naibabahagi mo ang buong kapasidad mo.
Sa career at pananalapi, may magandang balita na paparating, posibleng may kita o oportunidad na hindi mo inaasahan, at may posibilidad din ng promotion. Maaaring mas madalas ang trabaho sa on-field para sa ilan sa inyo, ngunit asahan na magiging exciting at puno ng bagong pagkakataon ang linggong ito sa iyong propesyonal na buhay.
Opportunities are opening that require your attention and action. You may not fully appreciate them now, but in the long run, they will bear fruit and contribute to your long-term security. Be open and ready to embrace these opportunities; remove any excuses or doubts so you don’t let them pass by.
In love, avoid excessive jealousy or possessiveness in a relationship, as this can suffocate your partner. Give them space to grow and maintain their individuality so they can feel your genuine recognition and respect. For those who are single, if you haven’t yet moved on from the past or still carry unhealed wounds, it’s time to focus on the present and accept that the past is over and cannot be changed. Understand that true happiness does not come from isolating yourself out of fear of being hurt; real healing comes when you are ready to love again without fear, because your self-love is whole, and when you do love, you are able to give it fully.
In career and finances, good news is on the way, possibly unexpected income or opportunities, and even the potential for a promotion. For some, fieldwork may become more frequent, but overall, expect this week to be exciting and full of new possibilities in your professional life.
♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20):
Mayroong partnership o koneksyon na maaaring maghatid ng maganda at positibong resulta, lalo na kung ang bawat isa ay bukas-palad sa pagkilala sa pagkakaiba at handang makipagtulungan at mag-adjust para sa iisang layunin. Tiyakin ang balanseng effort at pagbibigayan; huwag lamang umasa sa damdamin, mahalaga ring isaalang-alang ang mga pros at cons habang nagpapatuloy sa pakikipag-kooperasyon.
Sa pag-ibig, alisin ang opsyon ng pagtakilod at balikan ang mga dahilan kung bakit pinili mong panindigan ang relasyon sa iyong kapareha. Mas mainam na huwag magbanggit ng hiwalayan kung hindi ka sigurado sa nararamdaman, upang maiwasan ang pagsisisi. Para sa mga single, iwasan ang pagbabalik sa nakaraan o pagkapit dito; baunin ang mga aral na itinuro nito at gamitin ang mga ito upang mapalago ang sarili, nang hindi na maulit ang mga pinagdaanan.
Sa career at finances, i-filter ang mga impormasyong naririnig at kunin lamang ang mga mapagkakatiwalaang detalye. Huwag basta maniwala sa mga salita lamang na walang kasamang aksyon, lalo na kung may kinalaman sa mga mahahalagang proyekto. Iwasan ang chismis sa trabaho at mag-focus sa mas mahahalagang gawain; ang mga ito ay distraction lamang.
There may be a partnership or connection that can bring positive and rewarding results, especially when both parties are open to recognizing differences and willing to collaborate and adjust for a shared goal. Ensure that effort and compromise are balanced; do not rely solely on emotions, but also consider the pros and cons as you continue cooperating.
In love, let go of the option to withdraw and revisit the reasons why you chose to commit to your relationship. It’s best not to mention breaking up if you are unsure of your feelings, to avoid future regret. For those who are single, avoid returning to the past or holding on to it; carry the lessons it taught you and use them to grow, so that you do not repeat previous experiences.
In career and finances, filter the information you receive and focus only on reliable details. Do not take words at face value without corresponding actions, especially when it comes to important projects. Avoid workplace gossip and concentrate on what truly matters, distractions will only hold you back.
Share
