
Discover your weekly horoscope for September 2025. Get insights on love, career, and well-being for all zodiac signs. … Read More >Weekly Horoscope and Tarot Reading September 15 to 21, 2025
Discover your weekly horoscope for September 2025. Get insights on love, career, and well-being for all zodiac signs. … Read More >Weekly Horoscope September 8 to 14, 2025 by Sophie’s World
Weekly Horoscope September 1 to 7, 2025
Aries
(March 21 to April 19): Maglaan ng oras para mag-reflect sa iyong mga pangmatagalang layunin. Kahit na nahihirapan ka ngayon, ang mga sakripisyo mo ay magbubunga ng magandang resulta sa hinaharap. Huwag kang mag-alala na ikaw ay nag-iisa, dahil may mga taong handang sumuporta at maniwala sa iyo. At kung single ka, baka may pagkakataon na matanggap mo ang pag-ibig na hinahanap mo.
Taurus
(April 20 – May 20): Ang mga oportunidad ay madalas nakakubli sa mga pagsubok. Upang makamit ang iyong mga layunin, kailangan mong harapin at lampasan ang mga hamon na ito. Ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan at pagiging focused sa iyong mga layunin ay mahalaga, kahit na mahirap ang mga pinagdaraanan mo. Huwag hayaang ang mga distraksyon ang makapanghina sa iyo; sa halip, magpakatatag ka at huwag sumuko upang malampasan mo ang anumang pagsubok na dumating sa iyo.
Gemini
(May 21 – June 21): Magkaroon ka ng bukas na pananaw sa iyong paligid upang makita mo ang pag-asa na maaaring naghihintay sa iyo. Huwag kang mabalot ng sakit at pait ng nakaraan; sa halip, humakbang ka pasulong at matuto kang magpatawad. Pakawalan mo ang mga damdamin na nagpapabigat sa iyo at yakapin mo ang pag-asa na dala ng bawat bagong araw.
Cancer
(June 21 – July 22): Ang iyong pasensiya at kakayahan sa pagkuha ng tamang pagkakataon ay masusubok. Upang makamit ang magandang resulta, huwag magmadali at siguraduhing pag-aralan mong mabuti ang mga hakbang na iyong gagawin. Sa ilang mga proyekto o gawain, maaaring makatulong ang pagprapractice upang mas maging handa ka at tumaas ang iyong pagkakataong magtagumpay.
Leo
(July 23 -August 22): Sa kasalukuyan, ang pinakamahalaga ay ang pagpapatatag mo ng iyong pundasyon para sa hinaharap. Huwag mong ikukumpara ang iyong sarili sa iba o sa kanilang mga landas. Ang bawat tao ay may sariling swerte at kapalaran, kaya mas mabuting ituon mo ang iyong atensyon sa iyong sariling pag-unlad at mga layunin.
Virgo
(August 23 – September 22): Ang iyong emosyon ang magbibigay sa iyo ng malaking pagsubok ngayon. Madalas, para makita ang liwanag, kailangan mong harapin ang dilim. Para maghilom ang sugat, kailangan mong tanggapin ang sakit. Posibleng nahihirapan kang makita ang pag-asa dahil itinatanggi mo ang sakit na nararamdaman mo. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong magluksa. Pagkatapos ng lahat ng ito, huhupa din ang ulan at maghihilom ka. Sa pagkakataong ito, mas lalakas ka, mas matatag, mas mature, at handa para sa mas magandang bukas.
Libra
(September 23 – October 22): Makinig ka sa iyong intuwisyon. Maaaring maraming mga tanda na ang dumating sa iyo, ngunit patuloy kang kumakapit sa mga paniniwala na maaaring hindi na angkop sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Ito ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit nawawalan ka ng interes sa mga bagay. Subukan mong bitawan ang mga dating gawi at lumikha ng mga bagong kaugalian. Maging bukas sa pagbabago ng iyong pananaw upang makahanap ka muli ng iyong direksyon at layunin sa buhay.
Scorpio
(October 23 – November 21): Upang makapagpatuloy, kailangan mong bitawan ang nakaraan at yakapin ang pagbabagong nangyayari sa iyong buhay. Makinig ka sa iyong intuwisyon, sapagkat ito ay nagbibigay sa iyo ng gabay. Ngunit madalas, ang takot at pag-aalala ang pumipigil sa iyo na makinig. Bigyan mo ang iyong sarili ng oras upang manahimik, mag-isip, at sundin ang landas na tinatahak ng iyong kapalaran.
Sagittarius
(November 22 – December 21): Payagan mong ang iyong mga pangarap ang magdala sa iyo sa mas mataas na antas. Huwag kang sumuko, sa halip ay patuloy na pagyamanin at pag-ibayuhin ang mga ito. Sa mga susunod na araw, maaaring makaranas ka ng kagaanan ng loob dahil sa pag-asa at positibong pagbabago sa iyong buhay. Ang importante ay ang iyong pagkatuto sa bawat karanasan at tanggapin ito nang buong kasiyahan.
Capricorn
(December 22 – January 19): Bitawan mo ang mga attachment na pumipigil sa iyo na umunlad. Magtuon ka sa mga bagay na makakatulong sa iyong paglago at pag-unlad. Gamitin mo ang iyong talino at ang mga aral na iyong natutunan mula sa iyong mga karanasan upang makagawa ng mga desisyong makakabuti sa iyo. Maging mabuti sa iyong sarili bago sa iba.
Aquarius
(January 20 – February 18): Magtiwala ka na ikaw ay ginagabayan ng Diyos sa mga pagsubok na iyong pinagdadaanan. May mga oportunidad para sa kasiyahan at kagalingan na nagbubukas para sa iyo, ngunit kailangan mong kumilos at magsikap upang samantalahin ang mga ito. Maaaring may mga positibong balita na darating sa iyo, kaya’t maging bukas at handa sa mga posibilidad na ito.
Pisces
(February 19- March 20): Ang iyong pananaw sa sitwasyon ay may malaking epekto sa iyong emosyon, kaya importante na panatilihin ang positibong pananaw. Kapag bukas ang iyong isip, nagiging magaan at may pag-asa ang mga bagay. Ngunit kapag nakafocus ka sa mga problema at hadlang, nagiging negatibo ang lahat. Huwag hayaang ang mga pagsubok ang magdikta sa iyong pananaw at pigilan ka sa pagkakaroon ng positibong pag-iisip.
City Council reviews Maharlika Livelihood Complex stall policy, tackling clan monopolies, subleasing, and fairer opportunities for tenants. … Read More >Baguio eyes stricter Maharlika Livelihood Complex stall rules
A pickup truck collided with a taxi at Abanao Street intersection this morning, causing traffic disruption near Session and Magsaysay Roads. … Read More >Pickup, taxi collide at Abanao Street intersection
Share