
Aries
(March 21 to April 19): Posibleng nararamdaman mo ngayon ang matinding pagnanais na makapagsimula muli, makabangon sa kasalukuyang sitwasyon, at tulungan ang iyong sarili. Ngunit tila nakadepende pa rin ang iyong mga kilos sa mga tao sa paligid mo. Hinihikayat kang magkusa at magkaroon ng sariling diskarte, dahil kung palagi kang maghihintay sa iba, maaaring wala talagang mangyari—ikaw rin ang mahihirapan at maiiwan sa bandang huli. Matutong maging independent at palakasin ang loob sa paggawa ng mga desisyon at pagkilos. Piliin mong tulungan ang sarili mo, pag-isipan kung ano ang makabubuti para sa lahat, at gumawa ng paraan upang maisakatuparan ito.
Taurus
(April 20 – May 20): Ang katigasan ng ulo at ang pagsasara ng sarili sa mga pagbabago sa buhay ay maaaring siyang pinagmumulan ng iyong mga hinanakit at bigat ng loob. Hinihikayat kang suriin kung saan mo inuubos ang iyong emosyon, atensyon, at enerhiya. Piliin mong ituon ang mga ito sa mga bagay na tunay na makatutulong sa iyo—upang maging mas positibo ang iyong pananaw sa buhay, maging payapa ang iyong isipan, at mas mapalalim ang iyong ugnayan sa mga taong mahal mo.
Gemini
(May 21 – June 21): Maaaring nararamdaman mong nalilimitahan ka ngayon dahil sa kakulangan ng kaalaman o karanasan sa mga bagay na kailangan mo, at posibleng nakakaapekto ito sa iyong kumpiyansa sa sarili. Hinihikayat kang habaan ang iyong pasensya sa kasalukuyang sitwasyon at lalo pang paigtingin ang iyong pagnanais na matuto. Maaari mo ring isaalang-alang ang paglapit sa isang mentor o kakilala na mas may karanasan upang matulungan kang mas palawakin ang iyong kaalaman. Tandaan, walang hindi mo kayang lampasan o maabot kung ikaw ay matiyaga at nakatuon sa iyong layunin.
Cancer
(June 21 – July 22): Alamin kung saan mo dapat ilaan ang iyong sarili, at ipinaaalala rin sa iyo ang kahalagahan ng pagkilala sa mga hangganan at limitasyon sa bawat relasyon. Panatilihin ang paggalang at iwasan ang magmukhang mapang-kontrol, kahit pa mabuti ang iyong intensyon. Tandaan, ang labis na pag-aalaga o pakikialam ay maaari ring maging hindi malusog para sa samahan. Isaalang-alang din ang sarili at matutong magpokus dito. Bawasan ang stress na dulot ng labis na pag-aalala sa iba, at sa halip, ituon ang iyong atensyon sa pagpapabuti ng iyong sarili at ng iyong kalooban.
Leo
(July 23 -August 22): May mga panahon talaga na sinusubok ka at hindi maiiwasang minsan ay mawala ka sa balanse. Sa mga ganitong sandali, hinihikayat kang patatagin ang iyong loob, ipagpatuloy ang iyong mga hakbang, at ipagkatiwala sa Maykapal ang lahat ng iyong pinapasan. Darating ang isang hindi inaasahang pangyayari na magbibigay sa iyo ngayon ng bagong pag-asa. Isang bagong oportunidad ang maaaring magbigay sa iyo ng panibagong panimula na kung magiging matyaga ka ay magiging positibo ang resulta sa pang-matagalan.
Virgo
(August 23 – September 22): Maaaring napapaisip ka ngayon kung sasang-ayon ba sa iyo ang mga taong iniisip mo. Gayunman, ipinapayo sa iyo na manindigan sa iyong paninindigan—lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Huwag mong sukuan ang iyong mga layunin; darating ang panahon na maiintindihan ka rin nila at makikita ang bunga ng iyong mga plano. Manatiling nakatuon at determinado sa iyong desisyon, at huwag hayaang hadlangan ka ng anumang sitwasyon.
Libra
(September 23 – October 22): Hinihikayat kang panatilihing malinaw ang iyong isipan at huwag hayaang maapektuhan ng pride ang iyong mga desisyon at kilos. Minsan, ang dahilan kung bakit hindi ka makausad ay dahil labis mong inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili mong pangangailangan at paglago. Tandaan, may mga bagay na mas mainam na pinaghahatian at pinagtutulungan, hindi pinagbubuhusan ng mag-isa. Maging matalino at mapanuri sa bawat hakbang bago mo tuluyang gawing pinal ang iyong mga desisyon.
Scorpio
(October 23 – November 21): Ang daan tungo sa paglago ay hindi kailanman madali, lalo na kapag muli kang nagsisimula. Gayunman, laging isipin ang mga mabubuting bagay na iyong aanihin sa hinaharap. Huwag manghinayang sa mga sakripisyong ginagawa mo ngayon, sapagkat ang mga ito ay magbubunga ng mas matatag at magandang bukas. Ikaw ang may hawak ng direksyon ng iyong buhay—sa pamamagitan ng katatagan, patuloy na pagkatuto, at maingat na pagpaplano, hindi lamang para sa ngayon kundi para sa pangmatagalang tagumpay. Huwag mong kalimutan na marami ka nang pinagdaanang mga pagsubok na iyong nalampasan; kung nakaya mo noon ang mas mahirap, mas kakayanin mo ngayon.
Sagittarius
(November 22 – December 21): Mag-ingat sa paggawa ng mga desisyon o hakbang na hindi mo napaghahandaan. Natural lamang na magnanais ng higit pa o maghanap ng mas madali at mabilis na paraan, ngunit tandaan na hindi laging solusyon ang pagmamadali. Ang mga bagay na nakatakdang para sa iyo ay darating sa tamang panahon. Kaya’t matutong maging matiyaga at maghintay hanggang sa dumating ang tamang pagkakataon—upang sa oras na iyon, ikaw ay ganap na handa.
Capricorn
(December 22 – January 19): Nanatili kang tahimik sa gitna ng kaguluhan dahil alam mo ang iyong mga hangganan at kung paano mas mahinahong harapin ang sitwasyon. Gayunman, hindi ibig sabihin nito na hindi ka nahihirapan. Sa ngayon, inaanyayahan kang kumonekta sa iyong panloob na katatagan—ipagpatuloy ang pagpili na huwag patulan ang mga bagay na hindi makabubuti, at gamitin ang mga aral ng buhay na iyong natutunan upang manatiling kalmado, matatag, at payapa sa kabila ng lahat.
Aquarius
(January 20 – February 18): Maaaring ikaw ay kumikilos ngayon patungo sa isang bagong simula o isang proyektong mahalaga sa iyo. Inaanyayahan kang magpatuloy at pagtagumpayan ang anumang balakid, sapagkat malaki ang posibilidad na maging positibo ang magiging resulta nito. Huwag mong ituon ang pansin sa mga hirap na maaari mong pagdaanan, bagkus ay pagtuunan kung ano ang mabuting dulot kapag nalampasan mo ito. Maglaan din ng oras upang manatiling kalmado at makapagpahinga, upang muling maibalik ang iyong lakas at sigla.
Pisces
(February 19- March 20): Ang bawat gawain ay may kaakibat na konsekuwensya. Minsan, kahit maganda ang iyong intensyon, kung hindi ito maisasagawa nang tama, maaaring hindi rin maganda ang kalalabasan. Kaya ngayon, hinihikayat kang gamitin ang iyong talino higit sa iyong damdamin. Balansehin nang maayos ang iyong mga desisyon at tiyakin na ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Tandaan, hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang maling nagawa na noon.
Share