Weekly Guidance 2025 /// September 29 to October 5

English

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): Hiding one’s weaknesses can serve as a form of defense, but there are times when it’s not the best course of action. At this moment, you are invited to acknowledge your own weaknesses and limitations—not to give up, but to avoid the complications that excessive bravery may bring. Don’t let pride take over; instead, embrace humility. As much as possible, face any situation with grace, dignity, and a well-mannered approach.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): There are times when the challenges you go through become the way for you to see how much you mean to someone. During these moments, your feelings toward a relationship—whether with family, friends, or a partner—may grow even deeper. Embrace these moments; let go of doubt and choose happiness. Avoid getting too caught up in drama.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): The gradual slowing down of the world may bring feelings of unease or a sense of losing direction—especially when things aren’t going the way you had hoped. For now, you are invited to give your mind a break from excessive worry and self-doubt most especially on your own decisions. By the end of this week, expect the arrival of good news that will bring renewed hope and energy to your heart.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): This week, your plans to step away from a project, relationship, or group may be delayed. This is due to new insights or events that may stir and soften your emotions. If there are conflicts or misunderstandings, they may be resolved in a way that brings ease to your heart. Answers will come that will provide you with clarity, guiding you toward more meaningful decisions.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Your current situation may be pushing you to step out of your comfort zone and exceed your usual capabilities. This also comes at a timely moment, as an opportunity may arise that could supplement your income. For those seeking part-time work or additional sources of income, this is good news. However, it will require perseverance, hard work, and dedication. Set aside the opinions of others and prioritize your needs. There is no shame in earning a living through honest and decent work.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): View the situation from a more realistic perspective, and not merely through your illusions or assumptions. Sometimes, our minds can play tricks on us—and if we don’t balance our thoughts with the actual truth in front of us, we may end up deceiving ourselves. This way of thinking can help you avoid impulsive actions and decisions that might lead to unnecessary stress later on.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): This week may be busy, and the exhaustion could easily lead to irritability. As much as possible, avoid engaging with others who are also easily triggered, so you can conserve your energy and steer clear of unnecessary conflict. An opportunity may present itself, but you could miss it if you’re not alert and if you prioritize temporary pleasures. Make the most of this time to focus on work and strengthening your livelihood.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): You are encouraged to maintain a clear and present mind so you can prioritize your responsibilities more effectively. Avoid impulsive actions that you might later regret. For those in a relationship, no matter how heavy the pressure you’re experiencing, don’t take it out on your partner. Instead, show your appreciation for them. Continue to cultivate mutual understanding—both with each other and in life.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Some relationships may grow deeper and stronger. For those who are single, this could be a sign of entering a more serious and committed relationship. For others, there is a possibility of a former partner returning—and this reunion may bring clarity to unresolved issues from the past. Many will also feel a deeper desire to discover themselves and find their true purpose in life. Don’t worry—the answers will come at the right time.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Sometimes, it’s easier said than done. No matter how broad your understanding is, and how often you remind yourself to accept a painful truth, it’s still difficult to avoid being affected. This is a reminder from the universe to recognize your self-worth and self-love at this moment. Reflect on whether you’ve truly embodied these in your actions and decisions—and if not, now is the time to strengthen them. The events unfolding are simply guiding you to love yourself more fully and to deepen your faith.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): The current circumstances are teaching you to be responsible for every action and decision you make. It also serves as a reminder that if you know something is not beneficial to you and those around you, avoid doing it to prevent worsening the consequences you have to face. Remember, even if you make mistakes, it is still possible to correct them and start anew with a better path.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): Some may still be pretending out of hope, but it is important for you to reflect on whether your actions still hold meaning. Be honest with your feelings and don’t just follow the influence of those around you. The advice of a trusted person can be very helpful, especially in creating the changes you want in your life.

Tagalog

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): Ang pagtatago ng kahinaan ay maaaring magsilbing depensa, ngunit may mga pagkakataong hindi ito ang pinakamainam na hakbang. Sa ngayon, inaanyayahan kang kilalanin ang iyong mga kahinaan at limitasyon—hindi upang sumuko, kundi upang maiwasan ang mga komplikasyong dulot ng labis na tapang. Huwag hayaang manaig ang pride; sa halip, yakapin ang kababaang-loob. Hangga’t maaari, harapin ang anumang sitwasyon sa maayos, marangal, at may edukadong paraan.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): May mga pagkakataong ang mga pagsubok na pinagdadaanan mo ang nagiging daan upang makita mo kung gaano ka kahalaga sa isang tao. Sa mga panahong ito, maaaring mas lalo pang tumibay ang damdamin mo para sa isang relasyon—mapa-pamilya, kaibigan, o kapareha. Yakapin mo ang mga sandaling ito; iwaksi ang pagdududa at piliin ang kaligayahan. Iwasan ang masyadong pagkalulong sa drama.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Maaaring magdulot ng pakiramdam ng pagkabahala o kawalan ng direksyon ang unti-unting pagbagal ng takbo ng mundo—lalo na kung ang mga bagay ay hindi umaayon sa iyong mga inaasahan. Sa ngayon, inaanyayahan kang bigyang pahinga ang iyong isipan mula sa labis na pag-aalala at pagdududa sa sarili mong mga pasya. Sa pagtatapos ng linggong ito, asahan ang pagdating ng isang magandang balita na maghahatid ng panibagong pag-asa at sigla sa iyong puso.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): Sa linggong ito, maaaring maantala ang iyong mga plano na kumalas mula sa isang proyekto, relasyon, o samahan. Ito’y dahil sa ilang bagong kaalaman o pangyayari na maaaring pumukaw at magpalambot ng iyong damdamin. Kung may mga alitan o hindi pagkakaunawaan, posible itong maresolba sa paraang magdudulot ng kagaanan sa iyong kalooban. May mga kasagutang darating na magbibigay sa iyo ng kaliwanagan, na siyang magiging daan tungo sa mas makabuluhang mga pasya.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Maaaring itinutulak ka ng kasalukuyang sitwasyon na lumabas sa iyong comfort zone at higitan ang iyong nakasanayang kakayahan. Napapanahon din ang pagdating ng isang oportunidad na maaaring magdagdag sa iyong pinagkakakitaan. Para sa mga naghahanap ng part-time o karagdagang mapagkakakitaan, ito ay isang positibong balita. Gayunpaman, nangangailangan ito ng sipag, tiyaga, at dedikasyon. Isantabi ang mga opinyon ng iba at unahin ang iyong mga pangangailangan. Walang dapat ikahiya sa marangal na hanapbuhay

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): Tingnan ang sitwasyon mula sa isang mas makatotohanang perspektibo, at hindi batay lamang sa iyong mga ilusyon o haka-haka. Minsan, nagiging mapaglaro ang ating isipan—maari tayong malinlang kung hindi natin babalansehin ang ating iniisip sa mga konkretong katotohanang nasa harapan natin. Ang ganitong paraan ng pag-iisip ay makatutulong upang maiwasan ang mga pabigla-biglang desisyon at kilos na maaaring magdulot ng sakit ng ulo sa kalaunan.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): Maaaring maging abala ang linggong ito, at dahil sa pagod, posibleng madaling uminit ang iyong ulo. Hangga’t maaari, iwasan ang makasagupa ng kapwa na may mainit ding ulo upang mapanatili ang iyong enerhiya at makaiwas sa hindi kinakailangang gulo. May isang oportunidad na maaaring dumating, ngunit maaari mo itong makaligtaan kung hindi ka magiging alerto at mas uunahin ang pansamantalang kasiyahan. Samantalahin muna ang pagkakataong ito upang makapaghanapbuhay at mapalago ang iyong kabuhayan.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Inaanyayahan kang panatilihin ang malinaw na presensiya ng isipan upang maging mas maayos ang iyong pag-priyoridad sa mga kailangang gawin. Iwasan ang mga padalus-dalos na kilos na maaaring pagsisihan sa bandang huli. Para sa mga may karelasyon, gaano man kabigat ang pressure na nararanasan, huwag itong ibaling sa iyong kapareha. Sa halip, iparamdam ang iyong pagpapahalaga sa kanya. Patuloy na palaganapin ang malawak na pang-unawa sa isa’t isa at sa buhay.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): May mga samahan na maaaring mas lalo pang tumibay at lumalim. Para sa mga single, ito ay maaaring senyales ng pagpasok sa isang mas seryoso at committed na relasyon. Para naman sa iba, may posibilidad na muling magbalik ang isang dating kapareha—at ang muling pagtatagpong ito ay maaaring maghatid ng linaw sa mga hindi natapos na isyu ng nakaraan. Marami rin ang makakaramdam ng mas malalim na pagnanais na tuklasin ang kanilang sarili at ang tunay na layunin sa buhay. Huwag mag-alala, sapagkat darating ang mga kasagutan sa tamang panahon.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Minsan, mas madali itong isipin kaysa sa aktwal na maranasan. Kahit gaano pa kalawak ang iyong pang-unawa at kahit gaano mo pa paalalahanan ang sarili na tanggapin ang isang masakit na katotohanan, hindi pa rin maiiwasang maapektuhan. Paalala ito mula sa uniberso na sa pagkakataong ito, bigyang-pansin ang tunay mong pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili. Magnilay kung naipapakita mo ba ito sa iyong mga kilos at desisyon—at kung hindi pa, panahon na upang ito’y higit pang paigtingin. Ang mga kaganapan ay nagtuturo lamang sa iyo na mahalin ang sarili nang mas buo at patatagin pa ang iyong pananampalataya.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): Ang mga kasalukuyang pangyayari ay nagtuturo sa iyo na maging responsable sa bawat kilos at desisyon na iyong ginagawa. Paalala rin ito na kapag alam mong hindi ito makabubuti sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo, iwasan mo nang gawin upang hindi lumala pa ang mga epekto na kailangang harapin. Tandaan, kahit magkamali man, posible pa ring itama ang lahat at makapagsimulang muli ng mas maayos.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): May ilan na maaaring nagpapanggap pa rin dahil umaasa, ngunit mahalagang magmuni-muni ka kung nagiging makabuluhan pa ba ang iyong mga ginagawa. Maging tapat sa iyong nararamdaman at huwag lang basta sumusunod sa impluwensya ng mga tao sa paligid mo. Ang payo ng isang pinagkakatiwalaang tao ay maaaring makatulong nang malaki, lalo na sa paglikha ng mga pagbabagong nais mo sa iyong buhay.

Share

Related stories