Weekly Horoscope and Tarot Reading September 22 to 28, 2025

English

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): The stars are in your favor this week. Along with progress comes the possibility of increased tasks and responsibilities—it’s up to you how you choose to handle them. A promotion at work or an increase in clients or customers may be on the horizon. During this time, it’s important to take care of your health so you have the energy to keep up with everything that’s happening. When exhaustion takes over, your mood and outlook may be affected. Try your best to strike a balance between work and self-care. If there are misunderstandings within the family, there’s a chance they will be resolved in due time. Boost your self-confidence—now is the right time to make bigger decisions and take action on your plans.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): The stars suggest that you may want to consider changing jobs. The exhaustion from juggling work and personal responsibilities is starting to take its toll. However, it’s best to hold off on any high-risk financial investments at this time. On a lighter note, your relationships—with loved ones and even with people who were once difficult—are likely to improve. A piece of good news is on its way, and it may be the key to reaching your dreams.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): This week brings positive energy, especially in your career and finances. The support and encouragement of those around you—especially your loved ones—will boost your self-confidence and inspire you to pursue greater goals and meaningful projects. Their trust in you fuels your drive, and this momentum could lead to lasting benefits in the future. A reward or recognition may also come your way—something well-deserved for your efforts.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): This is a good time to focus on low-risk investments that can help strengthen your financial foundation. However, tensions may arise simultaneously—with family, acquaintances, or in your personal relationships. Avoid misunderstandings as much as possible, as they can disturb your peace of mind and potentially affect your reputation. It will be beneficial to seek inner calm through deeper forms of relaxation, such as meditation or quiet reflection.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Your creativity will shine this week, opening doors to artistic or creative activities that can bring personal fulfillment and deeper connections with others. It’s important to practice punctuality, respect, and kindness—qualities that will help expand your network and strengthen your relationships. A sudden project or challenge may also arise. While it may be demanding, it could become a valuable opportunity to contribute to your community and showcase your talents.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): Avoid unnecessary spending that could hinder your progress. Your energy may be low at the moment due to unexpected situations. However, a new income opportunity may open up, helping to ease your current challenges. Be cautious when it comes to long-distance travel. Stay strong in the face of adversity—because even the situations you don’t expect may lead you to a better path.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): You have the opportunity to recover from past financial losses, and you may receive major project offers or deals that can strengthen your financial stability. Expanding your social connections will be a significant advantage—it could even open doors to new opportunities. If you’re hoping to have a child, the timing is favorable. And if you’re planning to purchase land, this could be the right time, as it may turn out to be a valuable investment in the future.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): A career expansion opportunity may come your way, possibly through the help of an influential connection. Taking care of yourself, improving your personal image, and creating harmony in your home environment can help lighten the energy surrounding you. Avoid making major decisions for now—if you’re uncertain, it’s better not to finalize anything yet. Still, this week is likely to bring a sense of peace and mental clarity.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Your hard work is about to be recognized, especially now that the stars are supporting your personal and professional growth. Delayed projects may finally gain momentum and reach completion. Someone you know may come to you for help or advice—an opportunity that could deepen your connection. If you’ve made past investments, you might start seeing positive returns at this time. Your relationship with your partner is also likely to flow smoothly, bringing emotional stability and harmony.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Avoid engaging in matters that could harm your reputation. It’s better to focus your energy on genuine acts of kindness and helping others. This week may be busy, and fatigue could be unavoidable, so prioritizing your health is essential. Be practical with your decisions and actions at this time. Despite the challenges, things will eventually work in your favor. Face the trials with strength and unwavering faith.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): You’ll feel lighter and more at ease this week, especially in terms of your health. Your quick thinking will come in handy and may even lead to some good news. It’s also a good time to consider new plans and strategies that could expand your opportunities. Your focus will likely be on family at the moment—something that will strengthen your bond and deepen the love you share with one another.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): If there are decisions you’ve been struggling with, clarity will soon come. The stars will favor you, especially in legal matters and against those who may be trying to bring you down. You’ll also feel the support of people you consider family. However, this support will be more effective if you avoid conflict and stay out of disputes. Practice patience and understanding—instead, focus your energy on achieving your goals and becoming the best version of yourself.

Tagalog

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): Ang mga bituin ay pumapabor sa iyo ngayong linggo. Kasabay ng pag-usad ay ang posibilidad ng pagdami ng gawain at responsibilidad—nasa iyo kung paano mo ito haharapin. Maaaring magkaroon ng promosyon sa trabaho o mas maraming kliyente o customer. Sa ganitong panahon, mahalagang pangalagaan ang kalusugan upang may sapat kang lakas na makasabay sa agos ng mga kaganapan. Kapag ang pagod ang nanaig, maaaring maapektuhan ang iyong mood at disposisyon. Kaya’t subukan mong balansehin ang trabaho at pangangalaga sa sarili. Kung may mga hindi pagkakaunawaan sa pamilya, may pagkakataong ito’y maayos din sa tamang panahon. Palakasin ang iyong kumpiyansa sa sarili—ngayon ang tamang oras upang gumawa ng mas malalaking desisyon at kumilos para sa iyong mga plano.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): Isinasaad ng mga bituin na maaaring mong pag-isipan ang paglipat ng trabaho. Ang pagod mula sa pagsabay sa trabaho at personal na responsibilidad ay unti-unting bumibigat. Gayunpaman, iwasan muna ang anumang high-risk na financial investment sa panahong ito. Sa mas magaan na bahagi, inaasahan ang pagbuti ng relasyon mo sa mga mahal sa buhay, pati na rin sa ilang taong minsang naging mahirap pakisamahan. Isang magandang balita ang darating—na maaaring maging susi sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Magandang linggo ito para sa iyong career at pinansyal na kalagayan. Ang suporta ng mga tao sa paligid mo—lalo na ng mga mahal sa buhay—ay magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili. Dahil sa kanilang tiwala at pagmamahal, mas magiging inspirado kang magtaguyod ng mas malalaking proyekto at layunin. Posibleng magbunga ito ng kapakinabangan sa hinaharap, at may gantimpalang maaaring dumating bilang pagkilala sa iyong pagsusumikap.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): Magandang panahon ito para ituon ang pansin sa mga investment na ligtas at may mababang panganib. Ang ganitong hakbang ay makakatulong sa pagpapalakas ng iyong pinansyal na pundasyon. Gayunpaman, maaaring sabay-sabay dumating ang tensyon—sa pamilya, sa mga kakilala, at maging sa personal na relasyon. Iwasan ang hindi pagkakaunawaan hangga’t maaari, dahil bukod sa nakakagulo ito ng isip, maaari rin nitong maapektuhan ang iyong reputasyon. Makabubuti ang paghanap ng panloob na katahimikan sa pamamagitan ng mas malalim na paraan ng pagpapakalma, tulad ng meditasyon o tahimik na pagninilay.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Kikinang ang iyong pagiging malikhain ngayong linggo. Magbubukas ito ng pinto para sa mga creative na aktibidad na maaaring magdulot ng personal na katuparan at koneksyon sa iba. Mahalagang isaalang-alang ang pagiging maagap, magalang, at mabait—mga katangiang makakatulong sa pagpapalawak ng iyong network at pagtibay ng ugnayan sa iba. Posible ring may dumating na biglaang proyekto o hamon. Bagamat maaaring maging mahirap, ito ay magiging daan para makatulong ka sa iyong komunidad at mas makilala pa ang iyong kakayahan.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): Iwasan ang hindi makabuluhang paggastos na maaaring makahadlang sa iyong mga plano. Mababa ang iyong enerhiya sa ngayon, dulot ng ilang hindi inaasahang sitwasyon. Gayunpaman, may posibilidad na magbukas ang isang bagong pagkakakitaan na makakatulong upang gumaan ang iyong sitwasyon. Maging maingat sa mga long-distance na biyahe. Manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok—dahil kahit hindi mo inaasahan, ang mga ito ang magdadala sa iyo sa mas maayos na direksyon.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): May pagkakataon kang makabawi mula sa mga nakaraang pagkalugi, at posibleng dumating ang malalaking proyekto o alok na makakatulong sa pagpapatibay ng iyong pinansyal na kalagayan. Ang pagpapalawak ng iyong social connections ay magiging isang mahalagang advantage—maaaring ito pa ang maging susi sa mga bagong oportunidad. Kung ikaw ay naghahangad na magkaroon ng anak, pumapabor ang panahon para sa mga ganitong hangarin. At kung may balak kang bumili ng lupa, ito ay posibleng maisakatuparan ngayon at maaaring maging isang magandang investment sa hinaharap.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Maaaring dumating ang isang oportunidad para sa paglawak ng iyong career, at posibleng ito ay mula sa tulong ng isang maimpluwensiyang kakilala. Ang pag-aalaga sa sarili, pag-aayos ng iyong imahe, at pagpapaganda ng kapaligiran sa tahanan ay makakatulong upang mapagaan ang enerhiyang bumabalot sa iyo. Iwasan muna ang paggawa ng malalaking desisyon—kung may alinlangan, huwag mo munang tapusin o i-finalize ang anumang bagay. Sa kabila nito, ang linggong ito ay magdadala ng kapayapaan at kalinawan ng isipan.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Ang iyong pagsusumikap ay malapit nang kilalanin, lalo na’t ang mga bituin ay nasa panig mo at sumusuporta sa iyong pag-unlad. Ang mga naantalang proyekto ay may posibilidad nang magpatuloy at tuluyang matapos. Isang kakilala ang maaaring lumapit sa iyo para humingi ng tulong o payo—isang pagkakataong magpapalalim sa inyong ugnayan. Kung may mga dati kang investments, posible kang makatanggap ng positibong resulta ngayon. Magiging maayos at magaan din ang takbo ng relasyon mo sa iyong kapareha, na magdadagdag sa iyong emosyonal na kapanatagan.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Iwasan ang mga usaping maaaring makasira sa iyong reputasyon. Mas makabubuting ituon ang iyong oras at lakas sa taos-pusong pagtulong sa kapwa. Inaasahang magiging abala ka ngayong linggo, at hindi maiiwasan ang pagkapagod, kaya mahalaga ang pagbibigay-halaga sa iyong kalusugan. Maging praktikal sa bawat desisyon at kilos. Sa kabila ng mga hamon, magiging pabor pa rin ang lahat sa huli. Lagpasan ang mga pagsubok nang may katatagan at matibay na pananampalataya.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): Mas magiging maayos at magaan ang iyong pakiramdam ngayong linggo, lalo na pagdating sa kalusugan. Magagamit mo rin ang iyong mabilis na pag-iisip sa mga sitwasyong maaaring maghatid ng magandang balita. Makabubuti rin ang pagbubuo ng mga bagong plano at estratehiya upang mas mapalawak ang iyong mga posibilidad. Sa ngayon, nakatuon ang iyong atensyon sa pamilya—isang bagay na magpapatibay sa ugnayan at pagmamahalan ninyong lahat.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): Kung may mga desisyong matagal mo nang pinagninilayan, unti-unti itong magkakaroon ng linaw. Papabor sa iyo ang mga bituin, lalo na sa mga usaping legal at sa harap ng mga taong maaaring may intensyong pabagsakin ka. Mararamdaman mo rin ang suporta mula sa mga taong itinuturing mong pamilya. Gayunpaman, mas magiging epektibo ang lahat kung iiwasan mo ang anumang gulo o hidwaan. Palawakin ang iyong pasensiya at pang-unawa—mas makabubuti kung ilalaan mo ang iyong oras at lakas sa pag-abot ng iyong mga layunin at sa patuloy na pagpapaunlad ng iyong sarili.

Share