Weekly Horoscope / Tarot Guidance October 6 to 12, 2025

Tagalog

 ♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): Inaanyayahan ka ng uniberso na magnilay at kumonekta sa mga aral ng buhay — upang maunawaan na may mga pagkakataong hindi ayon sa iyong inaasahan ang takbo ng tadhana. May mga bagay na gaano mo man kagustuhin ay hindi mo makakamtan, ngunit kapalit nito ay mas magagandang biyaya na maaaring higit pang makabuti para sa’yo. Panatilihing malinaw ang isipan upang mapanatili ang talas ng pag-iisip at ang kahinahunan sa pagharap sa mga pagsubok sa kasalukuyan, at sa maingat na pagpaplano ng iyong mga susunod na hakbang.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): Maging mapanuri sa mga pinakikinggan at pinaniniwalaan. Kung may pagdududa, mas mabuting kumonsulta sa mga taong tunay mong pinagkakatiwalaan at may sapat na kaalaman tungkol sa iyong pinagdaraanan. Isaalang-alang din ang maaaring maging epekto ng iyong mga desisyon ngayon sa kinabukasan. Alisin sa isipan ang paniniwalang wala ka nang magagawa sa sitwasyon—dahil ang buhay ay laging may mga pagpipilian.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Magpasya at panindigan mo ito. Alisin sa isipan ang mga “what if” dahil makakagulo lamang ito sa iyong mga kilos at sa tapang mong harapin ang iyong piniling landas. Maaaring hindi ka palakpakan ng lahat sa ngayon — pero hindi iyon ang mahalaga. Ang tunay na mahalaga ay ikaw mismo ang unang maniwala sa sarili mo, hanggang sa may mapatunayan ka. Tandaan: mas madalas na nakatuon ang mga tao sa mga resulta at sa kung ano ang iyong naabot. Gamitin mo ang pagkakataong ito upang mag-manifest at akitin ang mga bagay na tunay mong ninanais.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): May mga pagkakataong maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga taong itinuturing mong pamilya, ngunit ito’y malalampasan din. Bigyan lamang ng sapat na panahon ang mahinahong pag-uusap at muling pagbubuklod upang mapawi ang anumang tampo. Hangga’t maaari, iwasang sabayan ang init ng ulo ng iba. Kapag nakakaramdam ng matinding emosyon, mainam na ito’y ilabas sa tahimik na paraan at hayaang kumalma ang isip bago humarap o makipag-usap. Malaking tulong ito upang maiwasan ang paglayo ng loob sa mga mahal sa buhay.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Maaaring maisipan mong palawakin ang anumang aspeto ng iyong buhay. Gayunman, mas mainam na gawin ito nang maingat at kapag lubos kang sigurado sa iyong mga hakbang. Ito ay dahil may posibilidad na magkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan o alitan na maaaring magdulot ng pagkaantala sa iyong mga plano. Maaari ring maapektuhan ang iyong pananalapi dahil sa ilang desisyon, kaya’t mahalagang tiyakin na handa ka sa aspetong ito. Kasabay naman nito, inaasahang lalago at lalalim ang iyong ugnayan sa mga taong malalapit sa iyo.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): Maaaring hindi mo makamit o maisakatuparan ang iyong mga layunin kung hindi mo ito paghahandaan nang mabuti. Ang kakulangan sa kaalaman ay isa sa mga posibleng maging hadlang sa iyong tagumpay. Upang maiwasan ito, mainam na maglaan ng oras para mag-research, mag-aral, at alamin ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Sa ganitong paraan, mas tataas ang posibilidad na makamit mo ang iyong mga mithiin. Mahalaga ring suriin ang iyong intensyon — gawin mo ang mga bagay dahil ito ang nagbibigay sa’yo ng kasiyahan, hindi lamang upang mapasaya o mapahanga ang iba.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): Ang pagsang-ayon sa mga mahal mo sa buhay kahit hindi mo naman tunay na nais o intensyon, at ginagawa mo lang upang maiwasan ang mga isyu o pag-uusap, ay hindi palaging solusyon. Mas makabubuti kung magiging bukas ka sa mga komprontasyon o tapat na pag-uusap upang magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan ang lahat. Kung patuloy na iiwasan at hindi bibigyan ng sapat na atensyon ang mga ganitong sitwasyon, maaari lamang itong magdulot ng mas malalim na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng bawat panig.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Palayain ang sarili mula sa mga emosyon na pumipigil sa iyong pagkilos at kaligayahan sa araw-araw. Kung patuloy kang magpapadala sa negatibong damdamin, posible nitong maapektuhan hindi lamang ang iyong pananalapi kundi pati na rin ang iyong oras na sana ay nagagamit mo sa pagiging produktibo at sa pag-abot ng iyong mga layunin. Panatilihing pribado ang iyong mga plano at paigtingin ang iyong determinasyon upang makamit ang mga ito. Ituon ang iyong pokus sa sariling pag-unlad upang mas gumaan ang iyong sitwasyon at mas maging maayos ang daloy ng iyong buhay.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Posibleng makaranas ka ng kalituhan sa pagharap o pagsolusyon sa isang sitwasyon dahil sa pagkaantala ng ilang bagay na iyong inaasahan. Hinihikayat kang magpokus sa pagiging propesyonal sa lahat ng iyong mga transaksyon. Iwasan ang pagbibitaw ng mga salitang hindi mo naman tunay na intensyon, at panatilihin ang pagiging kalmado sa pakikitungo sa iba. Mahalaga ring suriin kung ang mga bagay na pinaglalaanan mo ng oras at enerhiya ay talagang kapaki-pakinabang at nakatutulong sa iyong pag-unlad.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Hinihikayat kang magpokus sa mga solusyon kaysa sa stress na dulot ng mga planong maaaring maantala o mga inaasahang hindi natutupad. Tandaan na palagi kang may pagpipilian kung saan mo gustong ilagay ang iyong sarili. Ituon ang iyong atensyon at enerhiya sa pagkilos, sa halip na manatiling walang ginagawa. Panahon na upang magsimulang kumilos at gawing makabuluhan ang bawat araw na dumarating.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): Kahit maraming pagsubok sa buhay at tila hindi umaayon ang lahat sa iyong inaasahan, panatilihin mo pa rin ang pagiging positibo. Suriin ang mga sitwasyon mula sa mas malawak na pananaw at kumilos para sa mga pangmatagalang resulta. Hindi masama ang magsakripisyo ngayon, sapagkat ang mahalaga ay nakapaghahanda ka para sa mas maganda at mas ligtas na kinabukasan. Tandaan din na hindi ka nag-iisa—may mga mahal ka sa buhay na patuloy na sumusuporta, tumutulong, at naniniwala sa iyong kakayahan. Kaya magpakatatag ka at magpatuloy sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): Magpasya kung nais mo talagang ayusin ang isang samahan o hindi, upang magkaroon ka ng mas malinaw na direksyon sa landas na iyong tatahakin. Kapag sobra ang dami ng pagpipilian, mas nagiging mahirap kumilos at mas lalo ka lamang malilito. Yakapin ang mga bagong simula na nasa iyong harapan at pag-aralan kung paano mo ito haharapin nang buo at taos-puso. Simulan mo ring mag-adjust sa mga pagbabagong dumarating, sapagkat bahagi ito ng buhay na kailanman ay hindi maiiwasan.

English

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): The universe is inviting you to reflect and connect with the lessons of life — to understand that there will be times when destiny does not unfold as you had hoped. There are things that, no matter how much you desire them, will remain out of reach. Yet in their place may come greater blessings that could prove to be even more beneficial for you. Keep your mind clear to maintain sharp thinking and calmness as you face your current challenges and carefully plan your next steps.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): Be discerning about what you listen to and choose to believe. If you’re uncertain, it’s better to consult people you truly trust and who have the right knowledge about your situation. Also consider the possible impact of your current decisions on your future. Let go of the mindset that you’re out of options—because life is always full of choices.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Make a decision and stand by it. Let go of all the “what ifs” — they will only cloud your actions and weaken your courage to face the path you’ve chosen. Not everyone may applaud you right now, but that’s not what truly matters. What matters most is that you are the first to believe in yourself, until you’ve proven something. Remember: people often focus more on what you’ve accomplished and the results you’ve achieved. Use this moment to manifest and attract the things you truly desire.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): There may be times when misunderstandings arise with those you consider family, but these can be resolved. Just allow enough time for calm conversations and meaningful bonding to ease any hurt feelings. As much as possible, avoid reacting with anger or matching someone else’s temper. When you feel intense emotions rising, it’s best to release them quietly and give yourself time to calm down before facing others. This will greatly help in preventing emotional distance from your loved ones.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): You may find yourself thinking about expanding certain aspects of your life. However, it would be best to do so with caution and only when you are certain of your steps. This is because there’s a possibility of misunderstandings or conflicts that could cause delays in your plans. Your finances may also be affected by some of your decisions, so it’s important to ensure that you are prepared in this area. Alongside this, your relationships with your loved ones are expected to grow and deepen.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): You may not be able to achieve or fulfill your goals if you do not prepare for them properly. A lack of knowledge can be one of the main obstacles to your success. To avoid this, it’s best to take time to research, study, and learn all the necessary information. In doing so, you increase your chances of achieving your aspirations. It’s also important to examine your intentions — do things because they truly make you happy, not just to please or impress others.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): Agreeing with your loved ones even when it’s not what you truly want or intend—simply to avoid issues or difficult conversations—is not always the solution. It would be better to stay open to honest discussions or confrontations to bring clarity and understanding to everyone involved. If such situations are continuously avoided and not given enough attention, they may only lead to deeper misunderstandings between both sides.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Free yourself from emotions that is holding you back from taking action and finding happiness each day. If you continue to give in to negative feelings, they could affect not only your finances but also your time—time that could have been spent being productive and moving closer to your goals. Keep your plans private and strengthen your determination to achieve them. Focus on personal growth so that your situation becomes lighter and smoother flow of life.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): You may experience confusion in handling or resolving a situation due to delays in certain things you’ve been expecting. You are encouraged to stay focused on professionalism in all your dealings. Avoid saying things that are not truly your intention, and remain calm in your interactions with others. It’s also important to assess whether the things you devote your time and energy to are truly beneficial and contributing to your growth.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): You are encouraged to focus on finding solutions rather than on the stress caused by delayed plans or unmet expectations. Remember that you always have a choice in where you want to stand. Direct your attention and energy toward taking action instead of staying idle. It’s time to start moving forward and make each day meaningful.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): Even when life presents many challenges and things don’t seem to go as you expect, keep a positive outlook. Look at situations from a broader perspective and take actions that lead to long-term results. It’s okay to make sacrifices now, as what truly matters is that you are building a foundation for a better and more secure future. Remember, you are not alone—your loved ones are there to support, help, and believe in you. So stay strong and keep moving forward toward your dreams.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): Decide whether you truly want to mend the relationship or not, so you can have a clearer direction on the path you wish to take. When you have too many options, it becomes harder to move forward and you may end up even more confused. Embrace the new beginnings before you and learn how to face them wholeheartedly and sincerely. Begin to adjust to the changes that come your way, for they are a natural part of life that can never be avoided.

Share

Previous Tarot Readings