Weekly Horoscope and Tarot Reading September 15 to 21, 2025

English

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): This week will feel lighter for you, especially with the tasks you need to complete. At this time, success is not measured by speed but by your resilience and determination not to give up. Do not focus on the weight of the challenges, but instead, set your mind on the good it will bring and the rewards that await once you succeed.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): At times, it can be difficult to understand yourself, especially when it comes to the things you long to achieve. Your emotions may also be affected, leading to irritability or actions driven only by a sudden rush of feelings. But remember, the power to change and improve yourself lies within you—through the decision to become better at managing your emotions.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Continue striving and stay steadfast in every step toward your goals. You may now be focused on developing your skills or projects that will contribute to your growth. The stars remind you to remain honest and practical in your decisions. Do not let emotions alone prevail—use wisdom and clear thinking in every choice you make.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): Do not worry if destiny seems not to be in your favor today. You are still victorious through the experiences that strengthen your character. The lessons you’ve learned—though gained through challenges and hardships—will serve as your guide to strive harder and rise again. In time, these trials will shape the brighter future that awaits you.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): It may be wise to postpone certain plans, as things might not yet align with your expected outcome. When the right time comes, carry with you great patience and focus on the things you can control. Keep your mind at peace and strive to view the situation from a more positive perspective.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): Many ideas may enter your mind, sparking an urge to act right away. Before taking any step, it is wiser to ensure that you can withstand the challenges that come with it—for this will increase your chances of success. So before making a decision, carefully reflect on the extent of your abilities and what you are truly ready to face.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): An opportunity may come your way. Even if you cannot yet see the outcome because of hesitation, choose to strengthen your resolve and take action. Trust in your ability to balance things, for this will bring you great support and growth.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Do not waste your time on things that have no direct relevance to you, especially when the people who should be involved are unwilling to cooperate. You have many other important matters to focus on, so use your time and energy wisely. Learn to balance your priorities so that your life flows more smoothly.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Do not be overcome by the obstacles before you. Find another way and consider every possibility. This is not the time to give up, for destiny favors your actions. Use this energy now to achieve the results you long for.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Avoid reacting to things you’ve only heard but are not yet proven. Trust your intuition—if you have doubts, it’s better to investigate first or simply ignore them. In this way, you can avoid conflict and prevent wasting your time.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): You have many tasks to finish, but try to slow down and give yourself time to rest. Rest allows your mind to become clearer and helps you move with greater ease. Remember, excessive fatigue often causes even greater delays.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): It is better to choose to stand on your own than to keep carrying others until you are drained. Your time and energy are valuable — if they are only being wasted because of others’ lack of cooperation or abuse, then it isn’t worth it. Recognize your self-worth and use it as strength to stand firm and fight for what you truly deserve.

Tagalog

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): Magiging mas magaan ang linggong ito para sa iyo, lalo na sa mga gawaing kailangan mong tapusin. Sa panahong ito, hindi ang bilis ang sukatan ng tagumpay kundi ang iyong pagiging matatag at hindi pagsuko. Huwag mong ituon ang tingin sa bigat ng hamon, bagkus ituon ang isipan sa kabutihang dulot at gantimpalang naghihintay kapag ikaw ay nagtagumpay.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): Minsan, mahirap unawain ang sarili lalo na pagdating sa mga bagay na nais mong makamtan. Maari ring maapektuhan ang iyong damdamin, na nagiging sanhi ng pagsusungit o paggawa ng mga kilos na dala lamang ng bugso ng emosyon. Ngunit tandaan, nasa iyong kapangyarihan ang magbago at mapaunlad ang sarili—sa pamamagitan ng pagdedesisyon na nais mong mas maging mahusay sa pagkontrol ng iyong damdamin.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Magpatuloy kang magsumikap at maging matatag sa bawat hakbang patungo sa iyong mga mithiin. Maaaring ngayon ay nakatuon ka sa pagpapaunlad ng iyong kakayahan o mga proyektong makatutulong sa iyong pag-asenso. Paalala ng mga bituin: manatiling tapat at praktikal sa iyong mga pasya. Huwag hayaang damdamin lamang ang mangibabaw—gamitin din ang talino at malinaw na pag-iisip sa bawat desisyon.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): Huwag kang mangamba kung ang tadhana ay tila hindi umayon sa iyo ngayon. Panalo ka pa rin dahil sa mga karanasang nagpapatibay sa iyong pagkatao. Ang mga aral na natutunan mo, bagama’t dumaan sa hamon at hirap, ay magiging gabay upang mas magsumikap ka at muling ibangon ang sarili. Sa paglipas ng panahon, ang mga pagsubok na ito ang huhubog sa mas maliwanag mong kinabukasan.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Maiging ipagpaliban muna ang ilang plano sapagkat maaaring hindi pa naaayon ang lahat sa inaasahang resulta. Kung sakaling hindi maiiwasan, baunin ang mahabang pasensya at ituon ang pansin sa mga bagay na kaya mong kontrolin. Panatilihing payapa ang isipan at sikaping makita ang sitwasyon mula sa mas positibong pananaw.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): Maraming ideya ang maaaring pumasok sa isipan at magdulot ng agarang pagnanais na kumilos. Bago ka gumawa ng anumang hakbang, mas mabuting tiyakin muna kung kaya mong panindigan ang mga pagsubok na kaakibat nito—dahil dito tataas ang iyong tsansang magtagumpay. Kaya bago magdesisyon, pag-isipan nang mabuti kung hanggang saan ang iyong kakayahan at ang handa mong harapin.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): Maaaring dumating ang isang alok. Kahit hindi mo pa nakikita ang magiging resulta dahil sa pag-aalinlangan, piliin mong palakasin ang loob at magsimulang kumilos. Magtiwala sa iyong kakayahan na magbalanse ng mga bagay-bagay, dahil ito ang magdadala sa iyo ng malaking tulong at pag-unlad.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Huwag mong aksayahin ang iyong oras sa mga bagay na wala namang direktang kaugnayan sa iyo, lalo na kung ang mga taong dapat ay kasangkot ay hindi nakikipagtulungan. Marami ka pang kailangang pagtuunan, kaya gamitin nang tama ang iyong oras at lakas. Matutong balansehin ang iyong mga priyoridad upang mas maging maayos ang takbo ng iyong buhay.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Huwag kang padadaig sa mga hadlang na nasa iyong harapan. Humanap ng ibang paraan at isaalang-alang ang lahat ng posibilidad. Hindi ito ang oras para sumuko, sapagkat pabor ang tadhana sa iyong mga pagkilos. Gamitin ang enerhiyang ito ngayon upang makamit ang mga resulta na iyong inaasam.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Iwasan mong patulan ang mga bagay na narinig mo lamang ngunit hindi pa napatutunayan. Magtiwala sa iyong intuwisyon—kung may alinlangan, mas mainam na magsaliksik muna o huwag na lamang pansinin. Sa ganitong paraan, makaiiwas ka sa gulo at hindi masasayang ang iyong oras.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): Marami kang kailangang tapusin, ngunit subukan mong maghinay-hinay at bigyan ang sarili ng oras upang magpahinga. Sa pagpapahinga, mas luminaw ang isip at mas magiging maayos ang iyong pagkilos. Tandaan, ang labis na pagod ay kadalasang nagiging dahilan ng lalo pang pagbagal.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): Mas mabuti pang piliin mong magsolo kaysa patuloy na pasanin ang iba hanggang sa maubos ka. Mahalaga ang iyong oras at enerhiya — kung nauubos lang ito dahil sa kawalan ng pakikiisa o pang-aabuso mula sa iba, hindi ito sulit. Kilalanin ang iyong sariling halaga at gamitin ito bilang lakas upang tumindig at ipaglaban ang nararapat sa iyo.