Weekly Tarot Reading /// January 5 to 11, 2026

♈ Aries 🔥 (March 21 to April 19): Nais ipaalala sa iyo ng linggo na ito na ang tunay na lakas ay marunong maghintay. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang balanse sa pagitan ng tapang at pasensiya. Maaring may mag-udyok sa iyo na kumilos agad, pero mas malaki ang magiging resulta kung pag-iisipan mo na muna ang bawat mong hakbang. Masusubok ang iyong emosyon, ngunit ito rin ang magpapalakas sa iyong disiplina. Dapat mong malaman na hindi lahat ng laban ay kailangang ipanalo. May progreso kahit hindi agad nakikita.

This week reminds you that true strength knows how to wait. Finding the right balance between courage and patience is essential. You may feel urged to act immediately, but the results will be greater if you take time to carefully consider each step. Your emotions may be tested, yet this experience will also strengthen your self-discipline. Remember that not every battle needs to be won, and progress can still be happening even when it isn’t immediately visible.

♉ Taurus 🌏 (April 20 – May 20): May pagkakataong bumuo ng mas matibay na pundasyon sa linggong ito, lalo na sa mga bagay na mahalaga sa’yo. Maaaring kailanganin mong bitawan ang isang paniniwala o sitwasyon na hindi na tugma sa iyong values. Huwag matakot sa pagbabago—ito ay unti-unting nagdadala ng kapanatagan. Ang iyong pagtyitiyaga ay nagsisimula nang magbunga. Piliin ang katahimikan kaysa sa kaguluhan.

This week offers a chance to build stronger foundations, especially in areas that truly matter to you. You may need to release a belief or situation that no longer aligns with your values. Don’t fear change—it’s quietly leading you toward stability. Your patience is beginning to pay off. Choose peace over unnecessary struggle.

♊ Gemini 🌀 (May 21 – June 21): Maraming ideya at emosyon ang umiikot sa isipan mo ngayong linggo. Maaari kang makaramdam ng kalituhan sa simula, ngunit may malinaw na direksyon kapag pinili mong mag-focus. Huwag hayaan na emosyon ang manguna sa iyo. Isang pag-uusap o mensahe ang maaaring magbigay-liwanag sa iyong desisyon. Hindi man masagot ang lahat ng katanungan sa ngayon, papasok ito ng kusa ayon sa pagpapahintulot at pagiging bukas ng isip mo.

Many ideas and emotions are swirling in your mind this week. You may feel confused at first, but a clear direction will emerge once you choose to focus. Don’t allow your emotions to take the lead. A conversation or message may shed light on your decisions. Even if not all questions are answered right now, clarity will come naturally as you allow it and remain open-minded.

♋ Cancer 🌊 (June 21 – July 22): Isang linggo ng paghilom at emosyonal na pag-unawa ang naghihintay sa’yo. Mas magiging sensitibo ka sa enerhiya ng paligid, kaya mahalagang piliin ang iyong pinapakinggan. May pagkakataon para ayusin ang relasyon sa pamilya o sa isang mahalagang tao. Sa trabaho, manatiling kalmado kahit may tensyon. Alalahanin na hindi mo kailangang buhatin ang alalahanin at bigat ng damdamin ng lahat. Ang pag-aalaga sa sarili ay hindi pagiging makasarili.

A week of healing and emotional understanding awaits you. You may become more sensitive to the energies around you, so it’s important to be mindful of what you take in. There’s an opportunity to mend a relationship within your family or with someone significant. At work, remain calm even if tension arises. Remember that you don’t have to carry everyone else’s worries and emotional burdens. Taking care of yourself is not selfish.

♌ Leo 🔥 (July 23 -August 22): Ang pagiging totoo ang tunay na kumpiyansa. Mas mapapansin ang liwanag mo ngayon kahit hindi mo ito ipilit. Ang linggong ito ay nagbibigay ng pagkakataon para ipahayag ang sarili nang mas totoo. Maaaring makaramdam ka ng emotional depth na hindi mo inaasahan, at okay lang iyon. Kapag nagsalita ka mula sa puso, nagiging malinaw ang iyong mensahe. Tandaan na hindi mo kailangang patunayan ang iyong halaga dahil kusa itong makikita ng mga karapat-dapat sa buhay mo.

Authenticity is true confidence. Your light will be more noticeable now, even without forcing it. This week offers you the opportunity to express yourself more honestly. You may experience an emotional depth you didn’t expect, and that’s perfectly okay. When you speak from the heart, your message becomes clear. Remember, you don’t need to prove your worth—those who truly matter in your life will recognize it naturally.

♍ Virgo 🌏 (August 23 – September 22): May paggalaw sa trabaho at personal goals mo, ngunit hinihingi ng linggong ito ang mas maingat na pagpaplano. Maaari kang makaramdam ng pressure na ayusin ang lahat, pero hindi mo kailangang solusyonan agad ang bawat detalye. Ang tamang timing ay mahalaga. Sa emosyonal na aspeto, magandang magtakda ng malinaw na hangganan. Ang pagiging praktikal at mahinahon ang magdadala sa’yo ng tagumpay.

There’s movement in your work and personal goals, but this week calls for careful planning. You may feel pressured to fix everything at once, yet not all details need immediate solutions. Timing plays a crucial role. Emotionally, it’s a good moment to establish clear boundaries. Practicality and calmness lead you forward.

♎ Libra 🌀 (September 23 – October 22): Isang bagong yugto ang nagsisimula para sa’yo ngayong linggo. Pinapaalala sa’yo ng enerhiya na piliin ang sarili nang walang guilt. Maaaring may pag-aalinlangan sa umpisa, ngunit ang unang hakbang ang pinakamahalaga. Ang mga desisyon mo ngayon ay may pangmatagalang epekto. Magtiwala sa iyong kakayahang pumili ng tama para sa sarili. Ang balanse ay nagsisimula sa self-honor.

A new chapter begins for you this week. The energy reminds you to choose yourself without guilt. Hesitation may appear at first, but taking the first step matters most. Your current decisions have long-term impact. Trust your ability to choose what’s right for you. Balance starts with self-respect.

♏ Scorpio 🌊 (October 23 – November 21): Ang pagbabago ay patunay ng paglago. Kasabay ng linggo na ito ang transpormasyon at pag-release ng emosyon na di mo na kailangan. Maaari kang makaramdam ng matinding pagnanais na bitawan ang mga bagay na hindi na tugma sa’yo. Sa career, may posibilidad ng biglaang oportunidad—maging mapanuri. Ang bawat pagtatapos ay nagbubukas ng bagong simula. Huwag pigilan ang proseso.

Change is proof of growth. This week comes with transformation and the release of emotions you no longer need. You may feel a strong urge to let go of things that no longer align with who you are. In your career, there’s a possibility of a sudden opportunity—be discerning. Every ending opens the door to a new beginning. Don’t resist the process.

♐ Sagittarius 🔥 (November 22 – December 21): Mas lumalawak ang iyong pananaw at pangarap ngayong linggo. May ideya o plano na gustong bigyan ng seryosong atensyon. Sa relasyon, oras na para harapin ang mga usaping matagal nang iniiwasan. Ang katapatan ay magdadala ng mas malalim na koneksyon. Ang kalayaan mo ay mas lalong lalakas kapag may malinaw na direksyon.

Your vision and dreams are expanding this week. An idea or plan is asking for serious attention. In relationships, it’s time to address topics you’ve long avoided. Honesty brings deeper connection. Your freedom strengthens when guided by clear purpose.

♑ Capricorn 🌏 (December 22 – January 19): Nakatuon ang linggong ito sa pagiging abala para sa pag-abot ng iyong mga ambisyon sa buhay, ngunit may paalala tungkol sa pahinga. Maaari kang mapansin o pagkatiwalaan ng mga nasa itaas–pwedeng promotion sa trabaho o pag-appreciate ng ibang tao. Gayunpaman, huwag kalimutan ang iyong kalusugan at personal na buhay. Hindi lahat ng tagumpay ay nasusukat sa trabaho. Piliin ang mga taong tunay na sumusuporta sa’yo. Ang tagumpay ay magiging mas makabuluhan kung may balanse.

This week focuses on staying busy in pursuit of your life ambitions, with an important reminder to rest as well. You may be noticed or trusted by those in authority, possibly leading to a promotion at work or recognition from others. However, do not forget to prioritize your health and personal life. Not all success is measured by career achievements. Choose the people who genuinely support you, as success becomes more meaningful when balance is present.

♒ Aquarius 🌀 (January 20 – February 18): May bagong pananaw o ideya na maaaring magbukas ng pinto sa susunod mong mga gagawin o yugto. Ang pakikipag-usap at pakikipagpalitan ng kaalaman ay mahalaga ngayon. Maaaring may taong magbibigay inspirasyon sa’yo. Huwag matakot ipakita ang iyong kakaibang pananaw. Iyan ang iyong lakas at advantage.

A new perspective or idea may open the door to your next steps or phase. Communication and the exchange of knowledge are especially important right now. Someone may inspire you or offer valuable insight. Don’t be afraid to show your unique point of view. That is your strength and your advantage.

♓ Pisces 🌊 (February 19- March 20): Panahon ito ng pag-reflect at pagpapatibay ng tiwala. Maaaring magkaroon ng pagkakabati o pag-aayos sa trabaho o pamilya. Sa pananalapi, may pagkakataong bumuo ng mas matibay na pundasyon. Ang pagiging mahinahon ang susi sa tamang desisyon. Kapag payapa ang puso, malinaw ang landas. Ang katahimikan ay nagbibigay-linaw.

This is a time for reflection and strengthening trust. Reconciliation or resolution may take place at work or within the family. Financially, there’s an opportunity to build a stronger foundation. Staying calm is the key to making the right decisions. When your heart is at peace, your path becomes clear. Stillness brings clarity.

Share

Recent Posts

Sections