
Aries
(March 21 to April 19): As much as possible, don’t let stress consume you. When it becomes too much, it can affect not only your body but also the light of your mind. Remember, not everything needs an immediate answer — it’s enough to breathe, trust, and face each day with calm and faith. By keeping yourself balanced, your steps will feel lighter and your energy stronger. From a peaceful mind and a healthy body, the strength to move forward will bloom — guiding you toward growth and a more serene life.
Taurus
(April 20 – May 20): Nurture your emotional well-being and trust your inner wisdon. Reconnect with your heart. Don’t measure happiness by external validation or temporary setbacks. Instead, find joy in small, quiet moments and allow yourself to heal emotionally. Be gentle with yourself; your warmth and empathy are your strength. When you realign with gratitude and self-love, your light will shine again—stronger and more genuine than before.
Gemini
(May 21 – June 21): Allow yourself to fully feel and release what’s been hurting you — but don’t let the past keep you closed off. Healing takes time, but it also requires openness to new energy. Notice the good things and people trying to reach you now; don’t let emotional fatigue blind you to present opportunities. Your heart is mending — let hope in, even if it feels small at first.
Cancer
(June 21 – July 22):It’s time to step back from the noise. Don’t waste energy trying to analyze or control everything — not every question needs an answer right now. Focus on your peace and emotional truth instead of seeking validation or clarity from external sources. Let go, detach, and allow silence to show you what truly matters. Sometimes, walking away is not a loss, but a powerful act of wisdom and self-respect.
Leo
(July 23 -August 22): Take a step back and assess how you’re leading yourself or others. Are you acting out of pride, impatience, or fear of losing control? True strength lies not in dominance but in clarity, calm, and consistency. Rebuild your foundation with patience and integrity. Lead by example, not by force — when you align your passion with purpose, your fire becomes steady and empowering instead of destructive.
Virgo
(August 23 – September 22): This is your time to realign your heart with what’s genuine. Don’t seek joy only in what pleases the senses — seek what nourishes the spirit. Whether it’s love, self-worth, or emotional peace, let it come from within, not from what others can give. When you learn to fill your own cup with gratitude, love, and self-acceptance, abundance will follow — effortlessly, and in its truest form.
Libra
(September 23 – October 22): Choose to surround yourself with people who genuinely uplift you — not only through joy, but through wisdom and personal growth. To move forward, accept that not everyone is meant to walk with you in the next chapter of your journey; this isn’t about anger or resentment, but about the natural rhythm of change in your life. Your soul is calling for a more serious, focused, and authentic direction — and if you were once easily swayed by emotions or others’ opinions, now is the time to stand on your own path: whole, clear, and confident in your strength.
Scorpio
(October 23 – November 21): You may find yourself at a point where bold action is needed, yet your fire must be guided by structure and patience. This is your moment to take full command of your life — to step into your power with confidence, vision, and discipline. You are being called to lead, not only in your ambitions and goals but also in how you make decisions and uphold your boundaries. Remember, true strength lies in clarity and self-mastery, not in controlling others.
Sagittarius
(November 22 – December 21): This is a time for honest reflection. You may feel stuck, uncertain, or afraid to let go, but remember — clarity can only come when you make space for it. The more you delay transformation, the heavier the energy becomes. The cards remind you that endings are not failures; they are sacred openings for renewal and wisdom.
Capricorn
(December 22 – January 19): You may be called to take charge of something significant, but before you act, the universe urges you to find clarity through solitude and self-reflection. The answers you seek are already within you — you only need to listen. Once you’ve aligned with your inner truth, move forward with courage — not driven by ego, but guided by wisdom. When insight and passion unite, your path becomes unstoppable: steady, inspired, and filled with purpose.
Aquarius
(January 20 – February 18): You can’t pour from an empty cup. Slow down — you don’t have to handle everything at once. Sometimes, choosing yourself first is the most powerful and productive act you can take. Reclaim your inner strength by simplifying your life and focusing on what truly matters. Release the tasks or relationships that drain your energy. When you find your center again, your confidence, creativity, and natural radiance will return — brighter and stronger than ever before.
Pisces
(February 19- March 20): Before you can experience true love, success, or peace, you must first reconnect with your own heart. This is your time to refill your emotional cup — to care for yourself, heal what still hurts, and let genuine gratitude grow within you. Turn your focus inward and stop chasing what only looks perfect; instead, embrace what feels real and meaningful. When your happiness flows from self-acceptance, love, peace, and abundance will follow naturally.
Aries
(March 21 to April 19): Hangga’t maaari, iwasan mong hayaang lamunin ka ng stress. Kapag sobra, ito’y maaaring makaapekto hindi lang sa katawan kundi pati sa liwanag ng iyong isipan. Tandaan, hindi kailangang mahanapan agad ng sagot ang lahat — sapat na ang huminga, magtiwala, at harapin ang bawat araw nang may kapanatagan. Sa pagbalanse ng iyong sarili, mas gagaan ang iyong mga hakbang at mas lalakas ang iyong enerhiya. Mula sa kalmadong isipan at malusog na pangangatawan, sisibol ang lakas na magdadala sa’yo tungo sa pag-unlad at mas payapang buhay.
Taurus
(April 20 – May 20): Alagaan mo ang iyong emosyonal na kalusugan at magtiwala sa iyong intuwisyon. Makipag-ugnayan muli sa iyong puso. Huwag sukatin ang kaligayahan base sa panlabas na bagay o pansamantalang kabiguan. Matutong pahalagahan ang maliliit at tahimik na sandali. Maging maawain sa iyong sarili—ang iyong kabaitan at empatiya ang iyong tunay na lakas. Kapag muling bumalik ang balanse at pasasalamat sa iyong puso, muling sisinag ang iyong liwanag—mas maliwanag at totoo kaysa dati.
Gemini
(May 21 – June 21): Hayaan mong tuluyang mailabas at maramdaman ang sakit, ngunit huwag mo ring hayaang ikulong ka nito. Ang tunay na kagalingan ay dumarating kapag natututo kang muling magbukas sa bago. Pansinin ang mga magagandang bagay at taong handang magbigay ng liwanag sa’yo ngayon. Huwag hayaang takpan ng pagod o lungkot ang mga oportunidad na nasa paligid mo. Unti-unti nang naghihilom ang iyong puso — tanggapin mo ang pag-asang muling kumakatok, kahit maliit pa lamang ito sa simula.
Cancer
(June 21 – July 22): Panahon na para umatras sa ingay ng paligid. Huwag mong sayangin ang iyong enerhiya sa kakaisip o sa paghahanap ng kasagutan sa lahat ng tanong. Ituon ang pansin sa kapayapaan ng iyong puso kaysa sa opinyon o kumpirmasyon ng iba. Bitawan mo ang mga sitwasyong nakakapagod at hayaang ang katahimikan ang magturo sa’yo kung ano ang tunay na mahalaga. Tandaan, ang pag-alis ay hindi palaging kabiguan — minsan, ito ang tanda ng karunungan at paggalang sa sarili.
Leo
(July 23 -August 22): Huminto sandali at suriin kung paano mo pinamumunuan ang sarili mo o ang iba. Kumilos ka ba mula sa pride, padalos-dalos, o takot mawalan ng kontrol? Ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa paghahari, kundi sa kalinawan ng isip at katatagan ng loob. Ibalik ang iyong balanse sa pamamagitan ng pagtitimpi at katapatan. Maging lider na may inspirasyon, hindi presyon — kapag ginabayan mo ang iyong passion ng may layunin at puso, magiging gabay ito, hindi panganib.
Virgo
(August 23 – September 22): Ito ang panahon para ibalik ang koneksyon sa iyong puso. Huwag mong hanapin ang kasiyahan sa mga panlabas na bagay lamang — hanapin ito sa mga sandaling totoo, payapa, at may saysay. Matutong punuin ang iyong sariling tasa ng pasasalamat, pag-ibig, at pagtanggap sa sarili. Kapag natutunan mong mahalin ang sarili nang buo, dadaloy ang biyaya at kaligayahan sa paraan na likas, malalim, at totoo.
Libra
(September 23 – October 22): Piliin mong samahan ang mga taong tunay na nakapag-aangat sa iyo — hindi lamang sa saya, kundi pati sa pananaw at pag-unlad ng iyong pagkatao. Upang makausad, tanggapin mong hindi lahat ay makakasabay sa susunod na yugto ng iyong paglalakbay; hindi ito tungkol sa galit o tampo, kundi sa natural na pagbabago ng ritmo ng iyong buhay. Ang iyong kaluluwa ay nananawagan ng mas seryoso, nakatuon, at tapat na direksyon — at kung dati ay madali kang naaapektuhan ng emosyon o ng mga opinyon ng iba, ngayon ay panahon na upang tumindig sa sarili mong hakbang: buo, malinaw, at may tiwala sa iyong kakayahan.
Scorpio
(October 23 – November 21): Maaaring nasa yugto ka ngayon na kailangan mong kumilos nang may tapang, ngunit ang iyong pagniningas ay dapat gabayan ng disiplina at tiyaga. Ito ang panahon para ganap mong akuin ang pamumuno sa iyong buhay — tumindig nang may kumpiyansa, malinaw na pananaw, at matatag na direksyon. Tinatawagan kang mamuno, hindi lamang sa iyong mga layunin at ambisyon, kundi sa paraan ng iyong pagpapasya at pagtatakda ng mga hangganan. Tandaan, ang tunay na lakas ay nagmumula sa kalinawan at pagdisiplina sa sarili, hindi sa pagkontrol sa iba.
Sagittarius
(November 22 – December 21): Hinihikayat ka ng uniberso na harapin ang mga bagay na matagal mo nang iniiwasan. Panahon ito ng tapat na pagninilay at pagharap sa katotohanan. Maaaring nakakaramdam ka ng paghinto, pagkalito, o takot na bitiwan ang isang bagay, ngunit tandaan — ang kalinawan ay dumarating lamang kapag nagbibigay ka ng puwang para rito. Kapag patuloy mong pinipigilan ang pagbabago, mas bumibigat ang enerhiya sa iyong paligid. Paalala ng mga baraha na ang mga pagtatapos ay hindi kabiguan, kundi mga banal na pintuan tungo sa panibagong simula at karunungan.
Capricorn
(December 22 – January 19): Maaaring tinatawagan kang pamunuan o panghawakan ang isang mahalagang bagay, ngunit bago ka kumilos, hinihikayat ka ng uniberso na hanapin muna ang kalinawan sa pamamagitan ng pag-iisa at taimtim na pagninilay. Ang mga kasagutang hinahanap mo ay nasa loob mo na — kailangan mo lamang makinig. Kapag nakaayon ka na sa iyong panloob na katotohanan, harapin ang susunod na hakbang nang may tapang — hindi dala ng ego, kundi ng karunungan. Kapag nagtagpo ang iyong talino at sigasig, ang landas mo ay nagiging hindi mapipigilan — matatag, may inspirasyon, at puno ng layunin.
Aquarius
(January 20 – February 18): Hindi ka makakapagbigay mula sa isang basong wala nang laman. Huminto ka sandali — hindi mo kailangang sabay-sabayin ang lahat. Minsan, ang pagpili sa sarili muna ang pinaka-makapangyarihan at pinakamabisang hakbang na maaari mong gawin. Bawiin mo ang iyong lakas sa pamamagitan ng pagpapasimple ng iyong buhay at pagtutok sa mga tunay na mahalaga. Bitawan ang mga gawain o ugnayang nagpapahina sa iyong enerhiya. Kapag muli mong natagpuan ang iyong balanse, babalik ang iyong kumpiyansa, pagkamalikhain, at likas na ningning — mas maliwanag at mas matatag kaysa dati.
Pisces
(February 19- March 20): Bago mo maranasan ang tunay na pag-ibig, tagumpay, o kapayapaan, kailangan mo munang muling kumonekta sa sarili mong puso. Panahon ito upang punuin muli ang iyong emosyonal na sisidlan — alagaan ang sarili, pagalingin ang mga sugat ng nakaraan, at hayaang tumubo ang taos-pusong pasasalamat sa iyong loob. Ituon mo ang pansin sa iyong kalooban at huwag nang habulin ang mga bagay na mukhang perpekto lamang; sa halip, yakapin ang mga bagay na totoo at may kahulugan. Kapag ang iyong kaligayahan ay nagmumula sa pagtanggap sa sarili, kusang darating ang pag-ibig, kapayapaan, at kasaganaan.
Share